Gardo Versoza marries longtime partner Ivy Vicencio

IMAGE @gardo_versoza on Instagram

Gardo Versoza marries longtime partner Ivy Vicencio through a simple Christian wedding ceremony held at El Kabayo Horseback Riding in Clark, Pampanga, last May 18.


Ikinasal na ang aktor na si Gardo Versoza sa longtime partner nitong si Ivy Vicencio.

Nagpalitan ng wedding vows sina Gardo at Ivy sa isang Christian wedding ceremony na ginanap sa El Kabayo Horseback Riding sa Clark, Pampanga, noong May 18.

Marami sa Instagram followers ni Gardo ang natuwa sa kanilang simpleng wedding ceremony.

Sa halip na suit at gown, simpleng sportswear lang ang suot nina Gardo at Ivy para sa kanilang kasal.

Ilan sa kanilang malalapit na kaibigan at kamag-anak ang dumalo sa kanilang pag-iisang dibdib.

Kabilang sa mga nakapunta ay ang mga malalapit na kaibigan ni Gardo na miyembro ng biking club na itinayo nito na kung tawagin ay Cupcake Bikers 143.

Sa isang Instagram post matapos ang kanilang kasal, ibinahagi ni Gardo ang kanyang kasiyahan ngayong ikinasal na sila ni Ivy.

Sulat nito, "Kung ang ang pinagsama at binasbasan ay hindi pwedeng paghiwalayan ng ganun ganun na lamang... [heart emoji]"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sunud-sunod din ang pagbating natanggap nina Gardo mula sa mga kapwa artista kabilang sina Iwa Moto, Jackie Lou Blanco, at Donita Rose.

Noong February 2, 2019 nag-propose si Gardo kay Ivy.

Mahigit 13 taon na silang nagsasama bago sila ikasal.

May isang anak na lalaki sina Gardo at Ivy—si Deity Uziel, 5.


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN