Beauty Gonzalez joins John Lloyd Cruz, Ellen Adarna in a weekend getaway

IMAGE From Beauty Gonzalez Instagram Story

Beauty Gonzalez shares on Instagram her bonding time with good friend Ellen Adarna over the weekend. In the other photo, she is seen in a huddle with Ellen's partner John Lloyd Cruz, her husband Norman Crisologo, their daughter Olivia, and an unidentified little boy.


Sa pamamagitan ng Instagram Story, ibinahagi ni Beauty Gonzalez ang bonding time nila nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Sunud-sunod ang pagbabahagi ng short videos at photos ni Beauty nitong Linggo, May 26.

Sina Beauty at Ellen ay matalik na magkaibigan.

Halatang family bonding ang activity dahil makikitang kasama rin ni Beauty ang asawa niyang si Norman Crisologo, isang art curator, at ang three-year-old daughter nilang si Olivia.

Sa ilang kuha ay makikita rin ang isang batang lalaki, pero hindi tiyak kung ito ang anak nina Ellen at John Lloyd na si Elias Modesto.

Isinilang ni Ellen ang anak nila ni John Lloyd noong June 27, 2018.

Sa unang video, makikita sina Beauty at Ellen habang umiinom ng wine.

Caption ni Beauty: “Mama happy hour.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makikita naman si John Lloyd na naka-side view sa isang video na kumakain. Nahagip din sa video ang kamay ng isang bata.

Sa sumunod na photo naman ay makikitang nakaupo sa sahig sina John Lloyd, Ellen, Norman, anak ni Beauty na si Olivia, at isang batang lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isa pang video, sa pagtu-toast ng wine glass ng grupo ay nasagap si John Lloyd.

Caption ni Beauty: "Easy like Sunday evening.."

Sa dalawa pang sumunod na videos ay makikitang masaya sina Ellen at Beauty na naglalaro gamit ang isang multimedia messaging app.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi tinukoy ni Beauty kung saan sila nagbakasyon. 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN