Former Kapamilya Jason Abalos reacts to Jimmy Bondoc's claims vs ABS-CBN

IMAGE Rommel Gonzales

Jason Abalos has four words on sexual harassment charges against his former network, ABS-CBN: "Wala, wala, wala, wala."


Bago naging Kapuso ay matagal naging bahagi ng ABS-CBN ang aktor na si Jason Abalos.

Bilang dating Kapamilya, hiningan namin ng reaksiyon si Jason tungkol sa pahayag ni Jimmy Bondoc na excited na raw siya dahil sa nalalapit na pagsasara ng "biggest TV network."

Hindi man binanggit ni Jimmy kung anong network ito, malinaw na ang ABS-CBN ang tinutukoy niya.

Saad ni Jason, “Ako, malulungkot ako kasi may mga tao dun na naging kaibigan, naging Kapamilya mong itinuring ng ilang taon.

“Siyempre kung itutuloy man 'yan, huwag naman sana... mawawalan sila ng kabuhayan," sabay katok sa mesa ng tatlong beses.

“Mga taga-Star Magic, naging pamilya ko po sila.” 

Taong 2005 napabilang sa Star Magic si Jason at ilan sa mga kasabayan niya ay sina Erich Gonzales at Arron Villaflor.

Twelve years sa ABS-CBN si Jason at doon siya nagsimulang mag-artista.

Kaya kahit Kapuso na si Jason ngayon, may simpatiya pa rin siya sa mga Kapamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa mga paratang ni Jimmy ay ang sexual harassment na nagaganap diumano sa ABS-CBN.

Mabilis na reaksiyon ni Jason dito, “Ah, wala, wala! Wala, wala.”

Pero naniniwala ba si Jason na may nagaganap na sexual harassment sa showbiz?

“Base po sa mga narinig ko, hindi pa ako artista, mga panahon pa nila… sino ‘to?

"Di ba, meron sa news 'yan, e. Pero nung panahon ko po, hindi ko naranasan iyan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jason sa taping ng Bihag sa Marina-Iloilo, Oysters and Seafood restaurant sa Quezon City, kahapon, May 28.

Kasama niya sa teleserye sina Max Collins, Sophie Albert, at Mark Herras.

SUPPORTIVE BOYFRIEND, SON

Sa June 9 ay gaganapin ang Binibining Pilipinas 2019, kung saan kandidata muli si Vickie Rushton, ang girlfriend ni Jason.

Ano ang suportang ibinibigay ni Jason kay Vickie sa pagsali nito sa naturang beauty pageant for the second time?

“Ngayon kasi hindi ko siya kinukulit, e, hinahayaan ko lang siya para maka-focus siya," sabi ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dumadalaw naman daw si Jason sa rehearsal ni Vickie, pero hindi na lang niya iniistorbo ang girlfriend.

May balita ngang naka-diguise pa raw si Jason kapag pumapasyal sa rehearsals ng Binibining Pilipinas.

Paliwanag niya, “Naka-motor po kasi ako so naka-mask ako para sa usok.

“‘Tsaka ayokong makaano ng attention kasi gusto ko sa kanila talaga.”

Mas may kaba or excitement ba ang nararamdaman ni Jason this time?

Tugon niya, “Ngayon? Excitement ito, hindi ito kaba, kasi alam na namin yung pakiramdam last year, e.

“Ngayon kasi hinahayaan ko lang siya, kumbaga hindi kami nagkikitang madalas.

“Sobrang pagod na sila, umaga nagigising, gabi na umuuwi.”

Samantala, masaya rin si Jason dahil nanalo ang ama niyang si Engineer Popoy Abalos sa 2nd District ng Nueva Ecija nitong nakaraang eleksyon bilang “bokal” o Provincial Board member.

Si Jason sana ang tatakbo kaya lang ay nagsimula na siyang mag-taping para sa GMA Afternoon Prime series na Bihag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kapag wala raw siyang trabaho ay tumutulong si Jason sa kampanya ng kanyang ama.

“Siya na po, ituluy-tuloy niya na 'yan. Tapusin na niya ang termino niya.

“Baka nga kung ako, baka natalo ako e!” at tumawa si Jason.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN