Rodjun Cruz, Dianne Medina deny Japan trip with President Duterte paid by taxpayers' money

IMAGE Courtesy: @rodjuncruz on Instagran

Engaged couple Rodjun Cruz and Dianne Medina slam netizens claiming that their trip to Japan with President Rodrigo Duterte was paid by from taxpayers' money.


Hindi nagustuhan ng engaged couple na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina ang mga komento ng ilang netizens tungkol sa biyahe nila sa Japan kasabay ang delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nasa Japan si Pangulong Duterte, kasama ang kanyang cabinet members at ilan pang opisyales ng gobyerno, para sa apat na araw na working visit kaugnay ng 25th Nikkei International Conference.

Ang conference ay nagsimula noong Martes, May 28, at magtatapos nitong Biyernes, May 31.

Bukod sa delegasyon ng Pangulo, nasa Japan din ang ilang celebrity supporters nitong sina Robin Padilla, Phillip Salvador, Bayani Agbayani, Michael Pangilinan, Martin Escudero, at ang engaged couple ngang sina Rodjun at Dianne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V, ang Nikkei ang gumastos sa biyahe ng Pangulo.

SHOULDERED BY TAXPAYERS' MONEY?

Sa Instagram, may ilang netizens ang bumatikos kina Rodjun at Dianne dahil ang pera raw na ginastos sa biyahe nila ay mula sa “taxpayers money.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng netizen na may handle name na @tinabmendoza: “Just wondering kasi nakita ko picture ninyo sa airport, kasama ba kayo sa grupo ng mga taga gobyerno na nagpubts diyan or natiyempuhan Lang na nakita ninyo sila sa airport?”

Isang netizen na may handle name na @cuello.siennah ang sinagot ni Rodjun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng Kapuso actor: “@cuello.siennah hi guys may freedom naman ako to post Dahil kami nag bayad ng trip Na toh. Mali Lang jinujudge kami ng mga Tao. Madaming bansa na kaming napuntahan ni dianne bukod sa Japan. Ilang beses narin kami bumalik Dito. Salamat God bless.”

Hindi na makikita ang komento ng netizen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila nagdududa namang komento ng netizen na si @odlaguitan: “owwsss?”

Ang fiancée ni Rodjun na si Dianne ang sumagot dito.

Sabi ng PTV-4 news personality: “@odlaguitan mahirap kasi sainyo sinabi na ang totoo. So kung may sabihin man or wala people will still accuse us. pls stop im here for the filcom event and for news coverage.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Komento naman ni @iamcafeterya: “@dianne_medina may post sa fb grupo nyo sa japan kasama sila bayani philip salvador etc at dalawa kayo bi rodjun sabi regalo daw sa inyo ni PRRD.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Dianne, sila ang nagbayad ng sarili nilang plane ticket para sa Filipino community meet-and-greet na dadaluhan ni Pangulong Duterte.

Sabi niya, “@iamcafeterya not true. Di ka pa nasanay sa mga naninira. You cannot please everybody. May kanya kanya yang opinion or side na pinapanigan. Kahit sabihin mo ang totoo pero di ka nila side baliwala. Kayo na ang bahala basta ako nasabi nanamin ni Rodjun ang totoo. Regalo? San galing yun? We booked our own ticket going here. We are here for the Filcom event.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May balitang lumabas na ang biyahe raw ni Duterte kasama ang halos 200 delegasyon ay regalo raw ng Pangulo sa cabinet members dahil sa tagumpay ng kanyang mga inendorsong kandidato sa nakaraang eleksyon.

Mariin itong pinabulaanan ng Palasyo.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN