Joey Reyes, Bituin Escalante air opinion about Idol Philippines judges

IMAGE Courtesy: Bituin Escalante / Joey Reyes on Facebook

Singer Bituin Escalante and director Joey Reyes get backlash after tweeting their opinions about Idol Philippines judges.


Na-bash ang direktor/manunulat/propesor na si Joey Reyes dahil sa kanyang tweet tungkol sa isang singing competition kahapon, June 4.

Ayon sa award-winning director-screenwriter, kung siya masusunod, dapat ay palitan na ang komposisyon ng mga hurado sa singing competition na tinutukoy niya.

Ang tatlong mang-aawit na kanyang nabanggit—na aniya'y karapat-dapat maging hurado sa hindi niya pinangalanang singing competition—ay ang Asia’s Phoenix na si Morissette Amon, si Jed Madela, at si Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Tweet ni Direk Joey: "Suggestion: Jed Madela, Gary Valenciano, Morisette Amon as replacements? Credibility is important… more than celebrity."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinumbok naman agad ng maraming netizens na ang hindi pinangalanang singing competition ni Direk Joey ay ang Idol Philippines ng ABS-CBN.

Ang kasalukuyang hurado sa nasabing timpalak ay sina Vice Ganda, James Reid, Moira dela Torre, at Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Hindi pinalampas ng ilang netizens ang tweet na ito ng director.

May ilang sumang-ayon, ngunit may mga bumatikos din sa kanyang suhestiyon.

Narito ang ilang komento ng netizens tungkol sa tweet ni Direk Joey:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil marami ang hindi sumang-ayon sa kanyang opinyon, humingi ng dispensa ang direktor kinagabihan.

Saad ni Direk Joey, “A misstep to make the suggestions.

"We all want the show to work to give chance to new talents.

"My apologies for the insensitivity.”

BITUIN ESCALANTE

Samantala, naghayag ang veteran singer na si Bituin Escalante ng kanyang opinyon tungkol mga hurado ng Idol Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “If I joined Philippine Idol, Hindi ako papasa sa judges... kay Reg lang.

"At ok ako don.”

Nakakuha naman ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanila:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga nagsasabi ring mataas diumano masyado ang standards ng tatlong hurado na sina Vice, Moira, at James. 

Komento ng isang netizen, "Malamang siguro. Mashado mataas yung standards nung 3 na judge. Pang world class. lol"

Tugon dito ni Bituin, "I can hear it nga e. 'Nandon naman po yung voice but I need to see star quality.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May ilan ding hindi sumang-ayon sa tweet ni Bituin.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close