Bumuhos ang mensahe ng suporta at pag-aalala mula sa mga kasamahan ni Eddie Garcia sa showbiz
Nitong Sabado ng hapon, June 8, isinugod ang 90-year-old na aktor sa isang ospital sa Tondo matapos itong mag-collapse sa gitna ng taping ng GMA-7 series na Rosang Agimat.
Humingi ng dasal sina Aiko Melendez, Vivian Velez, at Sunshine Cruz para sa mabilisang paggaling ni Eddie.
AIKO MELENDEZ
"Sincerely Praying for Tito Eddie Garcia who is in the hospital now May Jesus heals him!" saad ni Aiko sa kanyang Facebook post ngayong hapon.
Kasabay nito ay iminungkahi ni Aiko na mahalagang magkaroon ng standard emergency or medical support staff sa location set ng mga pelikula o TV series.
Lahad niya, "We should require movie sets, taping a standby medic. For emergencies. Legit ones.
"I know it will cause more, but for safety dba."
Paalala pa ng aktres, huwag sagarin ang katawan sa trabaho.
Binanggit niya bilang ehemplo ang pagkakaroon niya ng cut-off sa taping ng defunct ABS-CBN series na Wildflower.
Diin niya, "And Cut offs tlga should be followed. I have a cut off na nasusunod naman sa wildflower.
"So this goes to all the units na wala cut-offs.
"Our body needs to rest too. If machines needs to be turned off, at a certain time and so as our body."
VIVIAN VELEZ
Ni-repost naman ni Vivian ang mga litrato ni Eddie nang siya ay mag-collapse sa set ng taping ng Rosang Agimat.
Sabi ni Vivian, kalakip nag isang praying emoji, "Let’s pray for the speedy recovery of direk Eddie Garcia now in critical condition."
SUNSHINE CRUZ
Halos ganoon din ang mensahe ni Sunshine na nag-alala para sa beteranong aktor.

