Jonas Gaffud thinks Vickie Rushton should have gotten a crown from Binibining Pilipinas pageant

by Rommel Gonzales
Jun 15, 2019
Beauty-queen maker and Miss Universe Organization creative and events director Jonas Gaffud believes Vickie Rushton should have gotten a crown at the 2019 Binibining Pilipinas beauty pageant despite her performance at the question and answer portion.
PHOTO/S: Instagram: @jonasempire.ph (Jonas) / @vimrushton (Vickie)

Dahil katatapos lang ng Binibining Pilipinas 2019, tinanong namin ang beauty-queen maker na si Jonas Gaffud kung ano ang maikokomento niya sa naging resulta o winners ng naturang beauty pageant.

“Happy naman! I mean ganun yung process of deliberation and judging so, you know…”

Matapos ang maraming taon, ito ang unang beses na wala kahit isang kandidata si Jonas sa Binibining Pilipinas.

“Ay, ang saya! Hindi ako stressed! First time ko na parang, ‘O, ang sarap ng feeling pala!’

Kuwento pa ni Jonas sa nararamdaman niya habang nagde-deliberate ang judges nung gabing yun sa Binibining Pilipinas pageant, “Kasi nung nagde-deliberate na sila, ‘tapos pag ano, nag-aantay lang ako sa upuan ko.

“’Tapos magsi-CR lang ako, tapos pagbalik ko, may bumulong na sa akin yung result. ‘O sige intayin natin ang mga reaction ng girls.’

“Yung parang ganun. Hindi katulad dati na talagang tensed na tensed ako.”

Continue reading below ↓

Ngayon ay relaxed lang siya habang ongoing ang pageant.

“Para lang akong nanonood ng Miss USA.”

Bumitiw na si Jonas bilang head ng Aces and Queens nitong Abril. Ang Aces and Queens ay ng grupong nagde-develop ng beauty queens for local and international pageants.

Bahagi na ngayon si Jonas ng Miss Universe Philippines bilang creative and events director.

VICKIE RUSHTON SHOULD’VE GOTTEN A CROWN

Isa sa early favorites at humakot ng special awards during the pageant ay ang modelong si Vickie Rushton. Pero dahil hindi ito nakasagot sa question and answer portion ay “nalaglag” ito at walang naiuwing korona.

Hindi ba nanghihinayang si Jonas kay Vickie?

“Well, actually tinanong ko rin yun. Kung sana kahit naman ganun yung pagkasagot niya—kung ako lang ha—basing on her performance, parang sana may crown pa rin.

“Pero siyempre hindi natin alam yung takbo ng isip ng judges and we have to respect that.”

Continue reading below ↓

Kung nasa panel of judges lang daw si Jonas, “Ipu-push ko siya. Ipu-push, pero halimbawa ang vote ko isa lang naman, e di talo ka.”

WHAT CAN MAKE OR BREAK A CANDIDATE

Dahil sa nangyari, agree ba si Jonas, bilang kilalang beauty queen maker, na ang pinakaimportanteng parte pala ng isang pageant ay ang question and answer portion o Q&A?

“We always tell that during trainings kasi, that the Q&A will either make or break you, e. The Q&A will make or break you.

“Despite all the awards, despite all the catwalk skills and all, the Q&A is very crucial.

“Pero siyempre bago ka makapasok sa Q&A, dapat naman magaling ka rin naman at maganda ka, di ba?”

Ang Q&A ba ang dapat na pinaghahandaang mabuti ng bawat kandidata?

“Yes, oo! Pero dapat ano ka, dapat alam mo lahat ng aspeto ng competition.

Continue reading below ↓

“From doing your makeup, as simple as what to wear every day, mga ganyan, alam mo. Hanggang sa, parang whole na whole ka, buung-buo ka na sumali.

“Hindi puwedeng, dapat no stones are left unturned.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jonas nung Huwebes, June 13, sa Novotel Hotel kung saan ginanap ang pagbibigay ng mga tseke para sa mga adbokasiya ni Catriona Gray, ng Miss Universe Organization at ng FrontRow International.

Nagbigay ng donation ang Miss Universe Organization, through Catriona, ng $15,000 sa Hope For Change, ang foundation na sinusuportahan ng FrontRow. Nagbigay naman ang FrontRow/FrontRow Cares ng tig-isang milyong piso sa Young Focus at sa LoveYourself. Ang dalawang charitable foundations na ito naman ang sinusuportahan ni Catriona.

GAZINI AS NEXT MISS UNIVERSE?

Maraming bashers ang bagong tanghal na Binibining Pilipinas-Universe na si Gazini Ganados. Sa katunayan, siya pa nga ang itinuturing na “most-bashed contestant” ng Binibining Pilipinas pageant ngayong taong ito.

Continue reading below ↓

“Well I don’t see naman her being bashed that way. I mean the most bashed for me, if she’s being bashed now, it’s like what happened to Janine Tugonon and Pia Wurtzbach.

“And they came home with, you know, flying colors.”

Kahit may mga ayaw noong una kina Janine at Pia ay nanalo ang mga ito; nanalong Miss Universe first-runner up si Janine noong 2012 at si Pia naman ay kinoronahang 2015 Miss Universe.

“So, I don’t think na it would affect her and her chances,” tukoy pa ni Jonas sa pamba-bash na nakukuha ngayon ni Gazini.

Nakikita ba ni Jonas na maiuuwi ni Gazini ang korona bilang panlimang Filipina Miss Universe?

“Why not? Everyone has a chance naman every year so…

“I haven’t spoken to her personally, but we will meet maybe next week ‘tapos aayusin namin lahat ng trainings niya and all.”

Continue reading below ↓

Sa nakita niyang performance ni Gazini, naniniwala ba siya na ito nga ang may malaking chance na maging susunod na Miss Universe?

“Well a lot of them should have been, could have been Miss Universe, parang, ang daming maganda this year, e.

“Pero siya yung nanalo, so... I think ang maganda sa kanya, she has a very beautiful face, para sa akin, ha?

“Hindi ko alam kung bakit Miss Venezuela ang inaano nila sa kanya, ako naman Miss Puerto Rico ang tingin ko sa kanya.

“Parang ganun,” pagkumpara pa ni Jonas.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty-queen maker and Miss Universe Organization creative and events director Jonas Gaffud believes Vickie Rushton should have gotten a crown at the 2019 Binibining Pilipinas beauty pageant despite her performance at the question and answer portion.
PHOTO/S: Instagram: @jonasempire.ph (Jonas) / @vimrushton (Vickie)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results