Rivermaya launches audition for new lead vocalist August 24


"Pwede nating sabihin na medyo napilay kami, pero it doesn't mean na we won't move on. Mas importante ang music at fans namin kaysa sa miyembro ng grupo," says Rivermaya drummer Mark Escueta (middle, with band members Japs Sergio and Mike Elgar).



Wala na raw makapipigil pa sa paghahanap ng bandang Rivermaya para sa kanilang susunod na front man. Ayon sa grupo ay malawakan ang kanilang paghahanap ng kapalit sa dati nilang bokalista at songwriter na si Rico Blanco.

Aminado ang mga naiwan sa banda na malaki ang epekto ng pag-alis ni Rico sa grupo noong May 2007. Marami silang gigs, endorsements, at guestings na nakansela, hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

"Pwede nating sabihin na medyo napilay kami, pero it doesn't mean na we won't move on. Mas importante ang music at fans namin kaysa sa miyembro ng grupo," ayon sa drummer at original member ng Rivermaya na si Mark Escueta.

Aminado rin sila na hindi naging maganda ang "breakup" nila kay Rico dahil nabigla raw sila. Although as early as March 2007 ay nagpaparamdam na raw si Rico na aalis na siya sa grupo.

"Pero sana magkaroon kami [ni Rico] ng pagkakataon na makapag-usap in the future," sabi naman ng bassist na Japs Sergio.

May nagsasabing bubuo raw ng sariling grupo si Rico, may iba rin namang nagsasabi na magsu-solo na ang singer.

Kung tutuusin, pang-apat na pagkakataon na ito na may umalis sa band ng Rivermaya. Na-survive na ng grupo ang pag-alis nina Perf de Castro, Nathan Azarcon, at Bamboo Mañalac.

Kahit nawalan ng lead singer, tuloy pa rin ang paglabas ng grupo sa mga gigs. Hindi rin huminto ang mga naiwan sa paggawa ng musika. In fact, ngayong mid-August ay magre-release ang Rivermaya ng five-song EP na Bagong Liwanag.

"Included in the EP is the song ‘Sayang.' Well, consider it an open letter to our fans in the form of a song. Alam naman nila kung ano ang nangyari sa grupo recently and I know makaka-relate sila dito," sabi ng gitarista na si Mike Elgar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa paghahanap ng bagong bokalista ng Rivermaya, hindi lang daw mga singer ang kanilang susubukin. Maging ang mga magpapakitang-gilas na mga songwriters at musikero, titingnan nila kung papasa.

Ang nakakaintriga pa, hindi limitado sa mga kalalakihan ang kanilang io-audition. Puwede raw maging babae ang susunod na lead singer ng Rivermaya. Hindi lang daw mga taga-Pilipinas ang puwedeng mag-audition, kundi pati na ang mga balikbayan welcome din.

Rivermaya will hold auditions for their new lead vocalist on August 24 and 25 sa Ishmael Bernal Gallery beside UP Film Center, UP Diliman.

Pipili raw ang grupo ng anim na finalists at paglalaban-labanin nila ang mga ito sa isang mala-Rockstar na contest.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN