Hindi hinayaan ni Sarah Geronimo na lumipas ang 45 araw na hindi man lang niya nasilayan ang boyfriend na si Matteo Guidicelli.
Sumasailalim si Matteo sa 45-day training bilang Scout Ranger sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan, mula noong May 27 hanggang July 1.
Noong June 15, nakunan ng litrato si Sarah nang siya ay bumisita kay Matteo sa gitna ng training nito bilang Philippine Army reservist.
Base sa nakalap na photos ng AshMatt fans, kasama rin ni Sarah ang mga magulang at mga kapatid ni Matteo nang pinuntahan nila ang Kapamilya actor.

Hinihinala rin ng fans na noong June 6 ay binisita rin ni Sarah si Matteo sa Camp Tecson.
