PBB winner Bea Saw returns to her hometown after her victory


Pinoy Big Brother Season 2 winner Bea Saw comes home to Camarines Sur for the first time after wining the reality-based contest. Bea says she's excited to see her relatives and her kababayans so she can thank them personally for their support while was inside the PBB house.



Masayang-masaya ang Pinoy Big Brother 2 winner na si Bea Saw nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last August 13 over lunch sa Dencio's restaurant malapit sa ABS-CBN. Tuloy na raw kasi ang homecoming niya sa bayan nila sa Bao, Camarines Sur, sa Friday, August 17.

Matutupad na raw ang pangako niya na personal na makapagpasalamat sa kanyang mga kamag-anak at mga kababayan na sumuporta sa kanya habang nasa loob siya ng Bahay ni Kuya. Matagal na raw hindi nakikita ni Bea ang mga kamag-anak niya roon dahil kasama naman niya sa Manila ang family niya.

"Makakasama ko lang po sa pagpunta doon ang handler ko at dalawang security guards provided ng ABS-CBN. By plane po kami pupunta doon at pagdating, may motorcade na lilibot sa aming bayan. Sa gabi, magkakaroon daw po ng event doon na bale ako ang special guest. Magkakaroon po siguro ako ng chance na madalaw ang mga relatives namin doon, pero babalik din po ako ng Manila sa August 18," kuwento ni Bea ng kanyang itinerary.

During the interview, biniro ng PEP si Bea dahil fully-dressed ang dalaga at naka-makeup siya. Ayon sa kanya, may bonding workshop daw kasi siya para sa first movie niya for Star Cinema starring John Lloyd Cruz and Bea Alonzo. Makakasama rin daw ni Bea rito ang PBB housemates niyang sina Dionne Monsanto, Robert Woods, Kian Kazemi, Zeke Dimagula, Mickey Perz, at Gee-Ann Abrahan.

"May pictorial po rin daw kami kaya pinagdala ako ng ilang damit na gagamitin," dagdag pa niya.

Sabay-sabay raw silang ipinatawag ng mga co-PBB housemates niya last week ng Star Cinema para sa audition ng mga roles nila sa movie. Hindi pa raw niya exactly alam kung ano ang role niya, pero sabi, hindi raw sila magkakasama-samang mga ex-housemates sa story.

Bakit wala pa siyang regular show sa ABS-CBN?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinabi po ‘yon sa akin ng Big Dream Productions, na siyang nagha-handle sa amin, na sa first six months ko, ako muna ang magiging spokesperson ng PBB 2 sa lahat ng mga activities na concern kami. Kasama na rito ang pag-attend sa mga functions ng mga advertisers namin sa show. Pagkatapos po noon, saka na raw nila ako bibigyan ng show," paliwanag ni Bea.

Maliban sa CRV Honda car na napanalunan niya, nakuha na raw lahat ni Bea ang mga prizes niya sa PBB.

"May inaayos pa po akong papers para makuha ko na ang kotse. Hindi pa po kami nakalilipat doon sa napanalunan kong bahay sa St. Monique sa San Mateo, na ang ganda-ganda po dahil nasa itaas ito, overlooking Metro Manila. May gusto po akong idagdag sa bahay kaya tatapusin po muna namin iyon saka na kami lilipat.

"Ang Mommy ko ang isasama ko sa European tour na isa rin sa napanalunan ko, saka na po ‘yon kapag naka-settle na akong mabuti. Hindi na po babalik sa Taiwan ang Daddy ko, siya na po ang mamamahala ng napanalunan kong Cyrstal Clear water station business," pahayag ni Bea bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN