Hindi pa rin pinapatawad ni Arianne Bautista ang ex-boyfriend niyang si Nicholas Timothy Fowler, aka Nico Fowler, kahit humingi na ng tawad ang Italian-Canadian model at aspiring actor.
Ito ay kaugnay ng panlolokong ginawa ni Nico sa Kapuso actress noong magkarelasyon pa sila.
Halos isang taon tumagal ang relasyon nila ngunit, ayon kay Arianne, ayaw itong ipaalam ni Nico sa publiko para maprotektahan ang career ng modelo at aspiring actor.
Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Arianne sa pamamagitan ng text messaging ngayong umaga ng Lunes, July 1, sinabi niyang hindi sinsero ang apology ni Nico sa kanya.
Pahayag niya, “I don’t think it’s a sincere apology. I can’t feel any sincerity there.”
Noong Martes, June 25, isiniwalat ni Arianne sa kanyang verified Facebook at Instagram accounts ang panlolokong ginawa sa kanya ni Nico.
Kabilang na rito ang pang-iipot ng modelo sa kanyang ulo kapag hindi sila magkasama.
Noong Biyernes, June 28, humingi ng paumanhin si Nico kay Arianne.
Bahagi ng apology ni Nico, “I want to apologize to my ex-girlfriend, Arianne for the hurt that I have caused her.
"I made a big mistake. It is indefensible and have learned a valuable lesson in life with regards to being faithful and respectful to women.”
ARIANNE BAUTISTA: “LIP SERVICE”
Sa mensaheng ipinadala ni Arianne sa PEP.ph, sinabi nitong “lip service” lamang ang mga sinabi ni Nico para sa kanyang career.
Hindi raw ito sinsero at "lost cause" na ang dating nobyo dahil hindi na ito magbabago.
Buong pahayag ni Arianne: “It’s all lip service. That what he's good at, saying sorry even if he doesn’t mean it.
“He's not going to change 'coz until now he's still following those girls and gays and taking selfies for them.
“I would know because some of them are messaging me. As if nothing happened.
“As if he didn't crush my world into pieces.
“It’s a lost cause.
“People are reporting to me of what he has been doing just to get work and sponsors.
“Nakakadiri na talaga.
“He doesnt respect himself. For what? To be famous?
“To be somebody here in the Philippines?
“I pity his desperation to become an artista here.
“I wish him well na lang.”
Sa ngayon, nais ni Arianne na mag-move on na sa hiwalayan nila ni Nico.


Bukas ang PEP.ph sa panig ni Nico Fowler kaugnay ng mga pahayag ni Arianne Bautista.
