Dimples Romana reveals Neil Arce asked for her help with his proposal to Angel Locsin

IMAGE Noel Orsal / Paolo Nierves

Dimples Romana recounts how businessman Neil Arce called to ask for her help for his proposal to actress Angel Locsin.


Nagkuwento si Dimples Romana kung paano siya tinawagan ng businessman na si Neil Arce upang humingi ng tulong sa proposal nito kay Angel Locsin.

Kinailangan ni Neil ang tulong ni Dimples upang makuha ang sukat ng singsing ng bida ng The General's Daughter

Sina Dimples at Angel ay kilalang malapit na magkaibigan.

“Nakakatuwa talaga si Neil, sa totoo lang,” simula ni Dimples sa press conference ng ABS-CBN afternoon teleseryeng Kadenang Ginto nitong Biyernes, July 5.

“Kasi alam mo itong si Neil, sobrang alaga niyan kay Gel, super-super alaga niya.

“And si Gel naman, natutuwa ako, kasi alam mo si Gel, hindi sanay inaalagaan kasi brusko, e, di ba?

“She’s a woman of her own, she can handle herself.

"And it’s nice to have somebody like Neil na inaalagaan siya.

“And siya naman, she lets him be. Nagpapaalaga naman siya.”

NEIL CALLS UP DIMPLES ABOUT THE PROPOSAL

Naging emosyonal daw si Dimples nang tawagan siya si Neil tungkol sa balak nitong mag-propose kay Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So when he called me, hindi ko alam kung ako ang unang tinawagan niya.

"Basta ako lang ang nakakaalam, yun ang sabi niya."

Naaalala pa ba niya kung kailan siya tinawagan ni Neil?

“Hindi ko maalala kasi wala na akong sense of time.

"Because while I’m taping for Kadenang Ginto, I’m also shooting for Block Z,” pagtukoy ni Dimples sa pelikulang pinagbibidahan nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

“Ang sa akin kasi, hindi ko na nabibilang kung ano pa ba, kasi may Sabado kami na taping, e. So, imagine, wala kaming weekends.

“So anyway," patuloy ng aktres, "he called me a couple of weeks before the ano... sabi niya, ‘Dimps, magpo-propose ako.’

“'Day, umiyak ako! Parang ako yung po-propose-an.

“Kasi, as you know, marami naman akong nakilala at nakasama na naging parte ng buhay ni Gel.

"So I’m just happy that this time, it’s for good, and parang he’s there for her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And yun ang pinakagusto ko, parang nakita niyo naman how Neil is with Gel.”

Ani Dimples, maging siya ay nagulat nang ipaalam ni Neil ang plano nitong mag-propose dahil ang akala niya ay hindi nagmamadali ang dalawa na maikasal.

“Nagulat ako dito kay Neil kasi iniisip ko, they were taking their time.

"I thought, because she’s now doing her show.

"So, sa akin, kahit ano naman."

June 29, Sabado ng hapon, nang mag-post nang sunud-sunod sa Instagram sina Angel at Neil na engaged na sila.

Sa nasabing posts, makikita si Angel na suot ang engagement ring at sweet moments nila ni Neil.

Bumaha rin ng pagbati mula sa mga artista sa balitang engagement nina Angel at Neil. 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close