"I want a God-fearing man."—Anne Curtis


On July 11, PEP (Philippine Entertainment Portal) put out an article about Anne Curtis indirectly admitting that she and Sam Milby are an item. Fourteen days later, Sam told PEP: "We're not together." The public is now confused and asking what the real score is?


Hindi pa man umaamin sina Anne Curtis at Sam Milby na mag-on na sila, heto't napabalita na break na raw sila. Three months daw tumakbo ang relasyon ng dalawa na nauwi rin sa hiwalayan.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Anne kahapon, August 19, pagkatapos ng ASAP '07. Isa siya sa mga mainstays ng nasabing musical variety show.

Ipinaliwanag niya sa amin na walang dahilan para mag-break sila ni Sam dahil hindi naman daw sila naging mag-on. Ang tanong, saan nanggaling ang balitang kumakalat na break na sila ng singer-actor?

"Nag-start 'yung break-break na yan kasi nagkatampuhan kami ni Sam nung nasa Star Magic Grand Ball kami. Nakunan 'yung tampuhan namin. Hindi naman namin 'yun dininay. But you know, hindi lang pinakita na after five minutes, bati na kami," paliwanag ni Anne.

Ayaw sabihin ni Anne kung anong dahilan ng tampuhan nila ni Sam. "Secret na namin 'yun. Personal na 'yun," aniya.

Si Sam ba, never talagang nagparamdam o nanligaw sa kaniya?

"Sa amin na 'yun. Ito kasi parang ilang beses na naming inuulit, hindi pa rin naniniwala 'yung mga tao, so parang we've just stopped na lang, 'yung parang we're friends. Wala kasi, kahit ano pang sabihin namin hindi pa rin kami pinaniniwalaan, eh," ang sabi ng dating Maging Sino Ka Man star.

Kaya marami pa rin ang hindi naniniwala na magkaibigan lang sila ni Sam ay dahil sa sobrang closeness na ipinapakita nila sa isa't-isa. "Yun na nga, we never denied naman that we're friends talaga," ang mabilis niyang sagot.

Sa pagpapatuloy niya, "There's really truth to that. And parang why we will hide it? And why will we parang hide it from anyone that you know we're becoming close, 'di ba? Parang if we really just want to admit anything, hindi na kami magpapakita para wala talagang isyu."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit may balitang may pinag-aminan ang manager niyang si Veronique del Rosario na talagang mag-on na sila ni Sam? Aniya, "Ate Veronique knows 'yung totoo and she knows na wala talaga."

Kung sakali bang manligaw sa kanya si Sam at sinagot niya ito, aamin ba niya sa publiko?

"You know me naman...And siyempre, I want the man din naman who will parang 'di ba, who knows the worth of a woman...Na talagang who will pursue you and will not deny you to anyone...'Yun ang gusto ko," ang sabi ng young actress.

Dagdag pa niya, "And I want a God-fearing man. And it could be Sam, it could be anyone, you know. But 'yun lang talaga ang hinahanap ko, someone who seeks God more than me. 'Yung tipong mas mahal niya si God kesa sa akin, ‘di ba?

Nasaang stage na ba ang friendship nila ni Sam? "Well, it's really the same. We choose to keep it there muna," diretsahang sagot ni Anne.

Sa ngayon ay hindi pa raw ulit handa si Anne na pumasok sa isang relasyon.

Ayon kay Anne, "As of now, I'm really not open to anyone yet. Not even Sam, huwag muna...'Pag alam kong ready na ako at alam ni God 'yun, He'll bring me a man that pursues me and courts me, magpapaligaw na ako."

Hindi kaya na-trauma siya dahil lagi na lang nauuwi sa wala ang kanyang previous relationships?

"'Yun na nga, ilang beses na akong pumasok sa relationship and the only one who really courted me was Oyo [Sotto]. 'Yung iba parang...From then on, sabi ko, ‘Ay magsimula na lang tayo as friends and then if it works out, e, 'di sige," pagwawakas ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN