Life begins at 40 for Indie Queen Irma Adlawan


"I do believe sa kasabihan na ‘yan. I'm 45 years old now and five years ago, doon lang ako nabigyan ng mga magagandang breaks sa pelikula, TV, at entablado. I was doing movies noon pa, pero nobody knew me before," says indie actress Irma Adlawan about the adage, "Life begins at 40."



Naniniwala ang tinaguriang Queen of Independent Cinema na si Irma Adlawan that "life begins at 40." Kasi nga naman, noong maging 40 years old siya ay noon lang nagsimula ang magandang takbo ng kanyang career sa showbiz.



"I do believe sa kasabihan na ‘yan. I'm forty-five years old now and five years ago, doon lang ako nabigyan ng mga magagandang breaks sa pelikula, TV, at entablado. I was doing movies noon pa, pero nobody knew me before.

"It was not until I did Jeffrey Jeturian's Tuhog that people recognized me and film critics took notice of my performance as the helpless mother of a rape victim played by Ina Raymundo. Nakakuha ako bigla ng ilang acting nominations for that role. Since then, nagtuluy-tuloy na and producers and directors wanted my service. Kaya malaking pagbabago para sa akin ‘yon," kuwento ni Irma sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Noong mauso ang mga digital films, namayagpag nang husto si Irma. May isang taon nga na gumawa siya ng mahigit sampung indie movies na sunud-sunod. Karamihan ay pinuri dahil sa mahuhusay na pagganap, tulad ng Mga Pusang Gala at Sa North Diversion Road.



"Nagpapasalamat nga ako for the emergence of the independent film producers kasi nagbigyan kami ng mga trabaho," nakangiting sabi ni Irma. "Kasi naman, bihira na ang mga gumagawa ng malalaking pelikula ngayon, unlike noon. At least, sa mga digital films, kahit na three or five days ay tapos na kahit hindi kalakihan ang kita. Ang habol lang naman namin ay ‘yung magagandang materyales na puwede nating ipagmalaki sa mga international film festivals."



Mister ni Irma ang mahusay na scriptwriter and stage and indie film director na si Dennis Marasigan. Anak nila si Ira Marasigan, na naging semifinalist sa Philippine Idol. Lahat nga raw ng anak nila ay nasa larangan din ng sining.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Yung kakambal ni Ira na si Mira and our two other kids na sila Mara and Mari are all in the arts. Nagmana sa aming mag-asawa. Mabuti ‘yon para lahat kami nagkakasundo. May common interest kaming lahat sa pamilya," very proud na sabi ni Irma.



Ang latest indie film ni Irma ay ang horror film na Signos. Mula ito sa direksiyon ni Aloy Adlawan. Kasama nila rito sina Ricky Davao, Luis Alandy, Nancy Castiglione, Chx Alcala, DM Sevilla, at Lauren Novero.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN