Kasabay ng pag-viral kahapon, July 31, ng post ng isang fan group ni Gerald Anderson—kung saan pareho nilang ni-like ni Julia Barretto ang quote tungkol sa pagkakaroon ng dalawang bersiyon sa isang istorya—nag-post ang isa pang netizen ng kahalintulad na kataga sa kanyang Instgram Stories.
Ayon sa nag-screenshot at nag-post sa Instagram, number 1 fan ni Gerald ang naturang netizen.
Kung susuriin ang timeline sa Instagram ng tinutukoy na fan ng aktor, na may handle name na @zeejbabe, ang nilalaman nito ay puro larawan ni Gerald at minsan ay kasama rin ang fan.
Sa kanyang IG Story na nai-screenshot ng ibang netizens, ibinahagi ng fan ang quote na ito:
“There’s always two sides to every story.
“If you’re unwilling to hear the other side, and only draw your conclusion from a half told story, then you’re choosing to be a manipulated fool.”
Nag-reply si Gerald dito.
Pagsang-ayon ng Kapamilya actor: “Walang mas totoo pa dito.”
Post ng naka-screenshot na si @minhonogood [published as is], “this is requested to be posted by a PISSED OFF BEA FAN.
“I happened to come across the Ig story of Gerald’s #1 fan and Bea’s #1basher.
"Let me get this straight since fb (geraldanderson) commented, 'walang mas totoo'.
"Talga Lang ya???? so who is the manipulated fool now??
"Yung friends from the industry and fans na naka discover how these two cheats betrayed Joshua and Bea under their nose.
"I don’t think they are gullible enough to believe if no evidence was provided.
"We have been waiting for the other side of the story since last week but it seems they can’t still get their alibis and lies straight together, so they just have to sort thru liking Godly Ig stories and pretending to be the victim.
"We don’t buy your BS?? Oh please... You have been doing these to all the women Mr. FB.
"You are a heartless predator”. #beaalonzo #gerald Anderson #joshua Garcia #julia barretto #bearald #joshlia."
DEAFENING SILENCE
Sa pagkomento ni Gerald sa nasabing post ng kanyang fan, posibleng ito ang paraan niya upang ibigay ang kanyang panig sa akusasyong ipinagpalit niya ang girlfriend na si Bea Alonzo sa mas batang si Julia Barretto.
Baka naghihintay lamang ang aktor ng tamang timing kung kailan niya ihahayag ang kanyang bersiyon ng istorya.
Nahusgahan na kasi siya sa pangyayari dahil lumalabas na nang-two time siya lalo pa't, ayon kay Bea, hindi pa sila hiwalay gayong nililigawan na umano ng aktor si Julia.
Pagkatapos kumalat ang larawan nina Gerald at Julia noong dumalo sila sa 30th birthday party ni Rayver Cruz sa Bonifacio Global City noong July 20, sunud-sunod na ang paglabas sa social media ng diumano’y iba pang sighting ng dalawa magmula pa noong ginagawa nila ang pelikulang Between Maybes.
Kabilang na rito ang pagpunta diumano nila sa isang hotel sa Subic na pinag-uusapan din nang husto ng netizens.
Mas lalo pang lumakas ang balitang hiwalayan nina Gerald at Bea dahil sa pagla-like ng aktres sa mga post ng netizens tungkol sa aktor at kay Julia.
Kahit dinepensahan ng inang si Marjorie Barretto ang anak na si Julia laban sa bashers, sinalungat naman siya ng kanyang mga kapatid na sina Gretchen at Claudine Barretto dahil nagpakita sila ng suporta kay Bea.
Si Julia naman ay inuulan ng mga negatibong komento tuwing may ipinu-post sa Instagram.
Ang ilang ABS-CBN stars ay hayagan din ang pagpapakita ng suporta kay Bea.
Nito lamang nakaraang linggo, in-unfollow nina Bela Padilla, Angelica Panganiban, at Angel Locsin si Julia sa Instagram.
Sa kasalukuyan, walang pang direktang pahayag sina Gerald at Julia tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan nila.
