Mylene Dizon unapologetic about her life choices

IMAGE Noel Orsal


Magpapahinga muna si Mylene Dizon pagkatapos ng Kapuso drama series na Sahaya.

“I think I did enough for this year.

"The kids are missing me. Lumalaki na yung mga bata.

"My Tomas is already 14, nagulat ako, 14 na siya," pakli ni Mylene nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng pelikulang Belle Douleur nitong Agosto 1, Huwebes.

Itinanggi niyang babalik siya ng ABS-CBN pagkatapos ng commitment niya sa GMA-7.

“Walang ganun,” mabilis niyang sagot.

“Nandun ako sa uwi ako sa bahay. Mananatili ako sa bahay.

"Aasikasuhin ko yung garden ko, saka mga anak ko."

MYLENE'S CHOICE

Nangako si Mylene na iisa lamang ang tatay ng kanyang mga anak.

May dalawa siyang anak na lalaki na si Paolo Paraiso ang ama.

Hindi na nasundan yun kahit na-involve siya sa ibang lalaki.

Matagal na ang relasyon nila ng basketball coach na si Jason Webb, pero wala sa plano nilang magka-baby kahit puwede pa siyang mabuntis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay na ako. Between me and Jason, they’re four kids, and that’s already a handful.

“Magkasama kaming lahat. Ang hirap… at saka hahabul-habol pa uli ako ng bata?

“Okay na yung habulin ko na lang yung dyowa ko, maghabulan kaming dalawa.

"Huwag nang humabol ng maliit pa," diretsong pahayag ng 43-anyos na aktres.

“This is a time for us to be enjoying each other’s company already, because the children are having their own independent lives because they’re now young adults.

“They’re needing us less and less, so there is more time for me and Jason to enjoy this youth, kumbaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya na siya sa estado ng buhay niya kasama si Jason, pero wala sa plano nila ang magpakasal.

Maaaring may conflict pa sa panig ni Jason dahil kasal ito kay Claudine Trillo.

Hindi ito isyu kay Mylene dahil base sa mga sinasabi niya, hindi siya naniniwala sa kasal.

“I’m just surrounded by so many people whose marriages have fallen apart when in the beginning they were fine.

“Siguro marami ang magsasabing, ‘Marami namang successful marriages,’ yes, of course, there are.

“Pero I’m surrounded by failed marriages, and I’m in a very good place right now, why rock it?

“Puwede ko siyang gawin bago ako mamatay, if I really want to.

“But the pain that I saw that my friends had experienced is not something that I want to experience now.

“Of course, sabi ng iba, ‘Puwede ka namang lokohin ng boyfriend mo.’

"Of course, oo, puwede, pero hindi ko siya asawa. I think, mas madaling takasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maraming magbabatikos, pero choice ko ito, e. Bakit ba?

"E, di magpakasal kayo! Paulit-ulit pa," diretso niyang pahayag.

ASKING JASON'S PERMISSION

Natutuwa si Mylene dahil suportado ni Jason ang lahat ng ginagawa niya.

Medyo maselan ang mga eksenang ginawa niya sa Belle Douleur, kaya ipinaalam niya ito.

“I did ask for his permission, kasi may mga maselang eksena.

“Iknuwento ko sa kanya, 'I spoke to my director, her name is Joji Alonso, so and so. I don’t know if I should do it or not, what do you think?'" kuwento niya na hindi siya nahirapang ipagpaalam.

Mismong si Jason ang isa sa nagkumbinsing dapat ipagpatuloy niya ang pag-arte dahil alam nitong matino siyang aktres.

“Siya nga yung nagsabi… because for a time, I didn’t want to work na muna.

“May time we’re hanging out sa labas ng bahay namin, sabi niya, ‘You know, people say that you do well, you act, you can deliver. If you don’t act, parang you’re not exercising your talent, e.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nagtrabaho ulit ako, bumalik ako sa pag-arte,” saad niya.

Ang daming nagawang proyekto si Mylene na gustung-gusto niya.

Bukod sa regular soap niyang Sahaya, masaya si Mylene sa ginawa niyang Ang Babae sa Septic Tank 3, ang Call Me Tita, at itong Belle Douleur na siya ang personal choice ni Atty. Joji Alonso na idirek sa pelikulang ito.

“It’s very difficult to fill the expectations of any director. Especially Joji Alonso, mahirap magkamali.

“It was a lot of pressure, I think, na tinagu-tago ko na lang sa pagiging malikot.

“It’s somebody’s dream, e. May pangarap yung tao, 'tapos pinili ka niya na itawid yung pangarap.

"So it’s not just, ‘Ay! Trabaho lang ito.’ You’re fulfilling somebody’s dream,” seryosong pahayag ni Mylene.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close