Former actress Divina Valencia clarifies reports about son Dranreb's illness


"Nothing to worry about. Hindi totoo ang mga naglalabasan na may cancer ang anak ko. Hindi maganda ang mga naglabasan at hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon. Madalas kasi yung nag-i-interview, binibigyan ng kulay para may material siyang maganda, para lumaki," laments Divina Valencia about false reports on her son Dranreb Belleza.



Hindi itinago ng dating aktres na si Divina Valencia ang kanyang pagkadismaya dahil sa mga naglalabasang balita tungkol sa pagkakasakit ng kanyang anak na si Dranreb Belleza, dating child star.

Una nang lumabas na hindi raw maganda ang lagay ni Dranreb dahil sa kanyang sakit sa buto. Sa panayam ni Dranreb nitong weekend ay sinabi nitong may nakitang bukol sa kanyang likuran. Hindi rin daw siya makatayo dahil sa sobrang sakit ng mga ito.

Mabilis kumalat ang balita. Kanya-kanya na rin ang espekulasyon tungkol sa sakit ni Dranreb.

Kahapon, August 22, ay nakausap ng GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) ang ina ni Dranreb sa telepono mula sa tahanan nito sa San Diego, California. Walang bakas ng pag-aalala sa boses ni Divina.

Ikinuwento ni Divina na nadulas daw si Dranreb kaya't na-fracture ang spinal column nito. Gumagamit din daw ng morphine ngayon ang anak para sa pain management nito dahil sa sobrang sakit.

Kinumpirma rin ni Divina na may lipoma o bukol sa bahaging likuran ni Dranreb. Pero namuong taba lang daw ito at walang dapat ikabahala ang mga nagmamalasakit sa dating child star.

"Nothing to worry about. Hindi totoo ang mga naglalabasan na may cancer ang anak ko," giit ni Divina.

"Hindi maganda ang mga naglabasan at hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon. Madalas kasi ‘yung nag-i-interview, binibigyan ng kulay para may material siyang maganda, para lumaki.

"Ooperahan ang likod ni Dranreb para lagyan ng semento. Sabi ko nga sa kanya, ipatanggal na rin niya ‘yung bukol," dagdag ng dating sexy star.

DRANREB'S FRIENDS. Samantala, napaiyak naman si Nadia Montenegro nang malaman nitong may sakit ang kaibigang si Dranreb. Noon lang daw niya nabalitaan ang kalagayan ng kaibigan.

Ayon kay Nadia, huli raw silang nagkausap ni Dranreb bago mag-eleksyon, pero wala naman nababanggit ang kaibigan sa kanya.

"Even si Lotlot [de Leon] na parati niyang nakakausap, wala namang alam. Kasi if Lotlot knows, alam ko din ‘yon," pahayag ni Nadia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ni Nadia na fighter si Dranreb. Kung ano man daw ang sakit nito ngayon, alam niyang kakayanin niya ito.

Nakatakda raw pumunta sa USA sina Nadia para ayusin ang ilang bagay, kasama na rito ang pagbisita kay Dranreb.

Nagpahayag din ng pagkadismaya si German "Kuya Germs" Moreno, na mentor ni Dranreb sa That's Entertainment noon, sa mga naglabasang balita. Ayon sa tatay-tatayan ni Dranreb sa showbiz, sana raw ay maging sensitibo ang pag-handle ng mga tao sa ganitong mga usapin.

"Kapag mayroon tayong nababalitaan, ipagdasal na lang natin nang sa ganoon makatulong. Pero huwag naman nating i-exaggerate. Maraming nagmamahal kay Dranreb na mag-aalala masyado," sabi ni Kuya Germs.

Nagpaplano ring bumisita sa Pilipinas ang mag-inang Dranreb at Divina sa January 2008. Nanghihingi rin sila ng panalangin mula sa mga kamag-anak, kaibigan, at fans ng dating matinee idol para sa kanyang lubusang paggaling.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN