Dennis Trillo deflects question about live-in rumor with Jennylyn Mercado

IMAGE Instagram

Dennis Trillo on girlfriend Jennylyn Mercado: "Nakita ko na talagang iba na siya mag-isip, naging mature na. Tuwang-tuwa ako na talagang concerned na siya sa kinabukasan namin."


Maganda ang relasyon nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa negosyo.

Bukod sa cookies na patuloy pa ring ginagawa ni Jennylyn at tumutulong sa pagbebenta si Dennis, may ilan pa silang negosyo na sinimulan.

“Medyo marami na kaming nasimulan.

"Actually, meron kaming build and sell na business.

"Isa yun sa pinagkakaabalahan namin," pahayag ni Dennis nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media conference ng pelikulang Mina-Anud nitong Agosto 2, Biyernes, sa 38 Valencia Events Place, Quezon City.

Masaya at kuntento si Dennis sa relasyon nila ni Jennylyn.

“Siyempre, kapag partners kayo lalo na sa totoong buhay, hindi lang sa isang bagay kayo magiging partners, kailangan sa lahat ng bagay,” pakli niya.

Sinasabi ng iba na baka hindi makatulong sa relasyon ang mag-partner sa negosyo, pero iba raw ang sa kanila.

“Sa amin, mas nagiging mabunga yung ginagawa namin lalo na pag nagku-collab kami, hindi lang sa music kundi pati sa mga business namin dahil… kumbaga, parang in sync na yung mga utak naming dalawa, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya pareho na kaming mag-isip. So, hindi kami nagkakaproblema or nagku-conflict.

"Meron na kaming collab na business na nasimulan," matamang pahayag ni Dennis.

Hands on si Jennylyn sa mga negosyong nasimulan, at doon nakikita ni Dennis na malaki ang nabago sa kasintahan.

“Nakita ko na talagang iba na siya mag-isip, naging mature na.

"Tuwang-tuwa ako na talagang concerned na siya sa kinabukasan namin.

“So, ayun, mas pinapatibay lang namin yung relasyon para hindi masayang lahat yung mga pinaghihirapan namin,” pagmamalaki ni Dennis.

THE NEXT LEVEL

Dahil sa mga negosyong pinagsamahan nila, mayroon na silang joint account.

Pero hindi ganun kalinaw ang sagot ni Dennis nang tinanong namin kung nagli-live in na rin ba sila.

Madalas silang nagkikita at pareho nilang binubuo ang magandang kinabukasan ng kanilang relasyon.

“Ayokong sabihin na… yung mga live in na yun… parang napaka-'80s naman nung ano, e.

“Masaya kaming magkasama… basta’t meron kaming free time, minamabuti namin na magkasama,” sagot ni Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa 2020 ba ay may magandang announcement na sila sa susunod na gagawin nila sa kanilang relasyon? Kasalan na ba ang kasunod?

“Hindi ko masisigurado kung next year na kaagad. Pero malalaman niyo rin, mababalitaan niyo rin,” matipid niyang sagot.

Pero may pinaplano na ba siyang proposal para kay Jennylyn na masusorpresa ito?

“Siyempre pinaghahandaan ko 'yan, pero yung mga ganung bagay, e... iba kasi akong tao, e.

“Yung mga ganung bagay, hindi ko talaga binu-broadcast sa ano… pero malalaman niyo rin pag nangyari na,” saad ng Kapuso Drama King.

Pinag-iipunan na ba niya ang singsing para sa proposal kung sakali?

“Nag-iipon ako para sa maraming bagay para sa future namin,” safe niyang sagot.

Sunud-sunod na ang ginagawa niya dahil kailangang mag-ipon.

Pero nilinaw ni Dennis na lahat na mga ginagawa niya ay yung talagang gusto niyang material, kagaya nitong Mina-Anud na idinirek ni Kerwin Go.

“Kasi, minamahal ko ang bawat trabaho na binibigay sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Saka ayokong sayangin yung pagkakataon na makagawa ng quality na pelikula.

“Yun ang mas importante sa akin, e,” saad ni Dennis, na proud sa Mina-Anud, na magsu-showing na sa August 21.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close