Jessy Mendiola reacts to netizen linking her, Julia Barretto to cheating allegations

IMAGE @senorita_jessy / @juliabarretto on Instagram

Jessy Mendiola (left) tells basher to move on after linking her and Julia Barretto to boyfriend-stealer allegations.


Sinagot ni Jessy Mendiola ang isang basher sa Instagram na tinawag siyang "jomowa ng may jowa," o nakipagrelasyon sa taong may karelasyong iba.

Nangyari ang sagutan sa Instagram post ni Alex Gonzaga tungkol sa pagiging single hanggang sa dumating ang kanyang boyfriend na si Mikee Morada.

Nag-comment dito si Jessy ng tatlong heart emojis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa comment naman ni Jessy, nag-reply ang basher na may Instagram handle na @sarahm503.

Pinaratangan ng basher si Jessy na "jomowa ng may jowa" at "cheater."

Idinawit din ng basher ang pangalan ni Julia Barretto, na itinuturong third party sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Sabi ng basher kay Jessy (published as is): "ikaw landi kaylan kasal mu hahahaha the most hated celebrity in the Philippines no worry may kasama kana si JuliaB naparehong jomowa ng may jowa kahit hnd pa break mga cheater mag audition na kayu ng valentina role sure makukuha kayu hahahaha"

Nag-reply rito si Jessy.

Tanging sagot ng Kapamilya actress sa basher: "move on! [kissing emoji]"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maging si Alex ay sumagot din sa basher at sinabing, "wag ka mag-nega dito pls [kissing emoji]"

Ipinagtanggol din ng ibang netizens si Jessy laban sa basher, na hindi na nag-comment ulit sa nasabing post.

THIRD-PARTY ALLEGATION AGAINST JESSY MENDIOLA

Simula nang maging karelasyon ni Jessy ang TV host-actor na si Luis Manzano ay hindi na siya tinantanan ng mga akusasyong siya ay isang boyfriend-stealer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diumano, siya raw ang dahilan ng paghihiwalay nina Luis at Angel Locsin noong 2016.

Nang mag-celebrate ng first anniversary sina Jessy at Luis noong June 25, 2017, nag-comment ang bashers at pinaratangan si Luis na nag-two-time kina Jessy at Angel.

Subalit nilinaw ni Luis na January 2016 pa lang ay hiwalay na sila ni Angel.

Nitong March 2019 naman, isang netizen ang nagbigay ng payo kay Jessy tungkol sa pamba-bash sa kanya.

Tila inaasahan daw kasi ng bashers sa kanya na "you will admit to them na inagaw mo si LUIS kay Angel before," kaya hindi matigil ang pamba-bash sa kanya.

Sagot naman ni Jessy sa netizen, "bakit ako aamin ng hindi totoo?"

Nitong June 2019 ay nag-celebrate ng kanilang third anniversary sina Jessy at Luis.

Sa Instagram post ni Jessy noong June 25 ay ipinahayag ng aktres kung gaano niya kamahal ang kasintahan.

Sinabi rin ni Jessy kay Luis sa kanyang caption, "I know in my heart you are the one for me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-reply naman dito si Luis at sinabing, "I love you my howhow!"

"Howhow" ang term of endearment nilang dalawa para sa isa't isa.

THIRD-PARTY ALLEGATION AGAINST JULIA BARRETTO

Si Julia Barretto naman ang itinuturong third party sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Nagsimula ang isyung ito nang kumalat sa social media ang litrato nina Gerald at Julia na magkasama nang dumalo sila sa 30th birthday celebration ng dating Kapamilya actor na si Rayver Cruz.

Noong araw na kumalat ito, noong July 21, ay nag-post si Bea ng cryptic message sa Instagram.

Sabi niya sa caption niya, "'you can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice' ENOUGH."

Kasabay nito ang pagla-like ni Bea sa litrato nina Gerald at Julia sa Instagram, na ipinost ng isang netizen.

Noong July 23 naman, naiulat ang kuwento ng isang source sa Cabinet Files column ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pag-uusap sa telepono ni Gerald at ama ni Julia Barretto na si Dennis Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa source, umamin si Gerald kay Dennis na "hiwalay na sila ni Bea" at "nanliligaw" siya kay Julia.

Noong July 26, ibinunyag ni Bea sa interbyu niya sa ABS-CBN News na wala silang pormal na hiwalayan ni Gerald at bigla na lang siyang iniwan nito sa ere.

Saad ni Bea, "Honestly, to my understanding, we did not break up. He just started not talking to me."

Noong July 28, kumalat sa Instagram ang pagla-like nina Julia at Gerald sa isang post ng fan ni Gerald na nagsasabing "There's always two sides to every story."

Nag-reply rin si Gerald sa post ng kanyang fan, at sinabing, "Walang mas totoo pa dito."

Bukod dito, nananatili pa ring tikom ang bibig ni Gerald at Julia sa issue.

In-unfollow na rin ni Bea sina Gerald at Julia sa kanyang Instagram account.

In-unfollow rin nina Gerald at Julia si Bea, subalit nananatiling nagpa-follow-an ang dalawa.


Stories We Are Tracking

Jessy Mendiola shuts down accusation that she is a boyfriend-stealer
Jessy Mendiola shuts down accusation that she is a boyfriend-stealer
Jessy Mendiola professes love for Luis Manzano on their third anniversary
Jessy Mendiola professes love for Luis Manzano on their third anniversary
Bea Alonzo unfollows Gerald Anderson, Julia Barretto on Instagram
Bea Alonzo unfollows Gerald Anderson, Julia Barretto on Instagram
Gerald Anderson, Julia Barretto like same post about
Gerald Anderson, Julia Barretto like same post about "two sides to every story"


ABOUT THE AUTHOR

Enjoys life by binge-watching pinoy teleseryes.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close