Shaina Magdayao chooses not to comment on Bea-Gerald-Julia issue

IMAGE Noel Orsal (Shaina, Julia, Gerald) / Mark Atienza (Bea)

Shaina Magdayao says she would rather not comment about issue involving friends Bea Alonzo, Julia Barretto, and Gerald Anderson.


“I do have something to say, but just because I do doesn’t mean I will.”

Bahagi ito ng pahayag ni Shaina Magdayao, 29, nang matanong tungkol sa isyung kinasasangkutan nina Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Julia Barretto.

Sina Bea, Gerald, at Julia ay mga kasamahan ni Shaina sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Matagal nang kaibigan ni Shaina si Bea.

Ang huli nilang pinagsamahang proyekto ay ang pelikulang Four Sisters and a Wedding (2013), kung saan nakasama rin sina Angel Locsin at Toni Gonzaga.

Nakatrabaho naman ni Shaina si Gerald sa indie movie na On The Job (2013) at nakatambal sa teleseryeng Nathaniel (2015).

Minsan na ring na-link si Shaina kay Gerald dahil sa teleseryeng Nathaniel.

Tinanong si Shaina kung ano ang masasabi niya tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng mga kaibigan.

“It’s not for me to say, parang I would…

“Of course, I do have something to say, but just because I do doesn’t mean I will,” pahayag ng aktres sa press conference ng announcement ng pagpasok niya sa ABS-CBN daytime series na Nang Ngumiti ang Langit, nitong Lunes, August 5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, “It’s beyond what my own world now and hindi naman ako parte noon.

"So, kumbaga, parang I’d like to take care of my peace, and sa kanila din.

“I don’t want to add anymore sa nangyayari.”

Ayon pa kay Shaina, hindi rin makabubuting magkomento siya dahil hindi siya updated sa tunay na nangyari.

“To to be very honest, hindi ko na rin alam yung mga detalye.

"And kilala niyo naman ako, kung sino lang yung mga nasa mundo ko ngayon, yun lang yung kung kanino ako updated.”

Mas mabuti na huwag na lang daw siyang makisawsaw pa sa isyu.

“Para simple lang ang buhay. So, I don’t know.

“And ayokong magsalita kung hindi ko pa alam kung ano talaga yung nangyayari, so wala.

“I don’t have anything to say.”

Nagpaabot ba siya ng mensahe kaninuman kina Bea, Gerald, at Julia bilang pagpapakita ng suporta?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Shaina, “No, because I don’t know the whole story and all of them are my friends.

“Gusto ko na lang irespeto iyon.

"And I have other things that are going on in my life na sobrang dami din naman, so huwag na nating dagdagan pa,” nakangiti niyang pahayag.

BEA-GERALD-JULIA ISSUE

Pinag-usapan sa showbiz ang pagkalat ng mga larawan nina Gerald at Julia bago magtapos ang July 2019.

Ayon sa netizen na nag-upload ng larawan ng dalawa, papunta umano sila sa parking area pagkatapos dumalo sa birthday celebration ni Rayver Cruz sa Taguig City.

Sinabi pa ng netizen na pinagtataksilan umano ni Gerald ang girlfriend nitong si Bea.

Lalong umingay ang isyu nang mag-status sa Instagram si Bea na pinaniniwalaang patama kay Gerald sa diumano’y pangangaliwa nito.

Lalong uminit ang isyu dahil sa pagkakasangkot ng iba pang mga kaibigan at kapamilyang artista ng mga taong sangkot.

Naging vocal sa pagpapakita ng suporta sina Angel Locsin, Paulo Avelino, Derek Ramsay, Gretchen Barretto, at Claudine Barretto.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dinepensahan naman si Julia ng ina na si Marjorie Barretto at kapatid na si Dani Barretto.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close