FIRST READ ON PEP: F4 member Ken Zhu returns to Philippines to shoot movie


Ken Zhu (second from left) of the popular Taiwenese all-male group F4 is scheduled to arrive in the Philippines on September 28 to shoot a movie titled Batanes: Sa Dulo ng Walang Hanggan.



Darating sa Pilipinas si Ken Zhu, isa sa mga miyembro ng sikat na Taiwanese boy band na F4 para gumawa ng pelikula. Ang tatlo pang miyembro ng F4—na nakilala sa Pilipinas dahil sa phenomenal hit nilang drama series na Meteor Garden dati sa ABS-CBN at ipinalabas ulit ngayon sa GMA-7—ay sina Jerry Yan, Vaness Wu, at Vic Zhou.

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na sa September 28 ang dating ni Ken sa bansa para simulan ang shooting ng Batanes: Sa Dulo Ng Walang Hanggan. Hanggang mid-October siya rito para sa shooting ng pelikula tungkol sa isang turista na na-in love sa Batanes.



Ang Ignite Films ni Dave Hukom ang producer ng pelikula na ididirek ni Adolf Alix, Jr., kilalang magaling na indie film director. Pero isang feature film ang gagawin ni Ken at ire-release ito internationally. Si Adolf ang direktor ng mga pelikulang Donsol at Kadin na kinunan din sa Batanes.



Pang-apat na balik na ito sa Pilipinas ni Ken, pero ‘yung tatlong nauna ay para mag-concert. Noong unang punta niya rito ay si Vaness at sina Barbie at Dee Hsu, o Asos Sisters, ang kanyang kasama. Sa pangalawa at pangatlo niyang balik ay kasama na sina Vic at Jerry.



Hindi rin ang Batanes: Sa Dulo ng Walang Hanggan ang first movie ni Ken dahil ginawa na niya ang Sky of Love at Tokyo Trial na parehong released noong 2004, pero ang Sky of Love lang ang naipalabas dito sa Pilipinas.



Unang nabalita na si Jennylyn Mercado ang makakapareha ni Ken, pero may nakausap ang PEP na in-charge sa production na exploratory talks pa lang ang nangyayari between Ignite at ang management ng young actress. Pero nabalitaan din ng PEP na naka-block-off na ang schedule ni Jennylyn para sa shooting ng movie nila ng F4 member.

Ito rin siguro ang napabalitang indie movie na gagawin ni Jennylyn nang bumalik siya galing Hawaii.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ang alam ng PEP, isa pang Kapuso star ang ikinu-consider na maging leading lady ni Ken, pero hindi pa rin siya nakakausap o ang manager nito.



Sinuman ang matuloy makapareha ni Ken, hindi pa rin sila ang original choice na maging leading lady nito. Kay Judy Ann Santos kasi unang in-offer ang project pero hindi nito natanggap dahil sa schedule.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN