Gretchen Barretto on niece Julia Barretto's statement: "TEAM BEA FOR THE WIN"

IMAGE Noel Orsal / Courtesy: @juansarte on Instagram

Gretchen Barretto accuses Julia Barretto camp of hiring ghost writer: "THE FACT THAT THEY HIRED A GHOST WRITER FOR THIS POST IS HILARIOUS & MAKES HER SOUND DESPERATE TO SALVAGE WHATEVER IS LEFT.”


Kung pinagkaguluhan ng netizens ang pahayag ni Julia Barretto laban kay Bea Alonzo sa Instagram ngayong gabi ng Martes, August 6, mas lalong naging mainit ang usapin tungkol dito dahil sa komento ng tiyahin ni Julia na si Gretchen Barretto.

Sa screenshots na kumalat na rin sa Twitter, halatang sinalungat ni Gretchen ang mga sinabi ng pamangkin.

Ito ay base sa reaksiyon ni Gretchen sa Instagram post ng isang netizen (@bojbo10_n) na nagbigay ng opinyon tungkol sa statement ni Julia:

"wrong move Julia!

“Di ka bumilib Jan sa official statement mo!

“Mas lalo kang naging guilty at nuknukan ng NEGA Jan!!!!!!!!

“Ewan ko sayo!!!!!! Team @beaalonzo all the way!!!!!!!!!!!!"

Naka-tag sa post na ito sina Gretchen, Claudine Barretto, Angelica Panganiban, at Angel Locsin.

Kaagad namang sumagot si Gretchen dito.

Sabi ng kontrobersiyal na aktres: “TEAM BEA FOR THE WIN.”

Dagdag pa ni Gretchen: “THE FACT THAT THEY HIRED A GHOST WRITER FOR THIS POST IS HILARIOUS & MAKES HER SOUND DESPERATE TO SALVAGE WHATEVER IS LEFT.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila ikinatuwa naman ni Gretchen ang mga komento ng netizens dahil ibinahagi pa niya ito sa kanyang Instagram Stories. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa inilabas na pahayag ni Julia, pinabulaanan nitong nag-cheat siya kay Joshua Garcia at ang akusasyong may namamagitan sa kanila ni Gerald Anderson.

Trending ang mga pangalan nina Julia (1), Gerald (2), #TEAMBEA (3), at Bea Alonzo (5) sa Twitter ngayong gabi:


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close