Senators, congressman join discussion about Bea-Gerald-Julia controversy

IMAGE Courtesy: Instagram (@beaalonzo, @andersongeraldjr, @juliabarretto) and Facebook (Nancy Binay, Ruffy Biazon, Risa Hontiveros)

Senators Nancy Binay (below, left)) and Risa Hontiveros (below, right) and Congressman Ruffy Biazon (below, center) react to latest showbiz controversy involving Kapamilya stars Bea Alonzo (above, left), Gerald Anderson (above, center), and Julia Barretto (above, right).


Hindi lang sa Supreme Court umabot ang isyu tungkol sa kontrobersiya ng hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson kung saan ang third party diumano ay si Julia Barretto.

Maging sa Senado at Kongreso ay pinag-uusapan na rin ang isyu.

Ngayong Miyerkules, August 7, nag-post sa kani-kanilang Twitter accounts ang mga mambabatas na sina Congressman Ruffy Biazon ng Muntinlupa at Senator Nancy Binay tungkol sa kontrobersiyang pinag-uusapan ngayon sa loob at labas ng showbiz.

Kasunod ito ng tweet ni Supreme Court (SC) Associate Justice Marvic Leonin: “Dear Bea and Julia, is he really worth it? #JustAsking.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pabirong sabi ni Congressman Biazon sa kanyang tweet, “You know it has become a national issue when a justice of the SC asks a clarificatory question.

"Now I’m contemplating to file an inquiry in aid of legislation [smiley emoji].”

Hindi naman malinaw kung ang tweet ni Senator Binay ay sagot niya sa tanong ni Justice Leonin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Gurls, he's not worth it. #KalmaLangGirls #MoveOn"

SENATOR HONTIVEROS: “GHOSTING IS IMMATURE & COWARDLY.”

Noong August 2, kung saan sinabi ni Bea na hindi siya pormal na hiniwalayan ni Gerald, nag-tweet si Senator Risa Hontiveros tungkol sa “ghosting.”

“Ghosting” ang tawag ng millennials sa mga taong bigla na lamang dinedma ang kanilang karelasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng mambabatas, “One thing I teach my kids is to be fair & just, even in relationships.

"Ghosting is immature & cowardly.

"Talk, & if needed, end things properly.

"To all who’ve been ghosted before, your worth isn’t defined by it.

"Have courage & be strong; grow.”

Samantala, hinihintay ng #TeamBea at #TeamJulia ang sagot ni Bea sa patutsada sa kanya ni Julia tungkol sa pagiging bully.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close