Is Mylene Dizon retiring from showbiz?

IMAGE Noel Orsal

Mylene Diozn: "I put in 23 years in this industry, I can take a breather naman. I’m not being matapobre and saying I’ve had enough work anyway. It’s just I need to spend time with my family muna, maybe."


Nahirapan si Mylene Dizon sa paghuhubad sa love scene nila ni Kit Thompson sa pelikulang Belle Douleur.

Nangingiting saad ng 42-year-old actress, “Oo, ang hirap kasi, e.

"Even when I did 100, ano ba naman yung ginawa namin ni TJ [Trinidad], not even close from what I did for this one."

Posibleng ito na ang huling daring role ni Mylene sa kanyang karera.

“Hindi ko na yata kakayanin! Parang wala na akong ibibigay. Naibigay ko lahat dito.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mylene sa presscon ng Belle Douleur noong Agosto 1, Huwebes, sa 9501 Restaurant, ELJCC Building, ABS-CBN compound.

MYLENE DIZON ON RETIRING FROM SHOWBIZ

Gusto nang mag-retire ni Mylene sa showbiz bago mag-shooting ng Belle Douleur, isa sa 10 full-length films na nagtatagisan sa ongoing 15th Cinemalaya indie filmfest.

Idinirek ito ni Atty. Joji Alonso.

“I wasn’t working then that much. I was almost on my way out,” pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For ten months, I wasn’t working. My last was the The Good Son. That was last year March.

“Pero hindi, nag-start pala tayong mag-usap, mag-shoot after March.

"Pero it was... okey na muna."

Ani Mylene, hindi niya nakayanan ang pagod sa mga teleseryeng ginawa niya.

“Kasi, I did soap, dire-diretsong ganyan. Parang it was so emotionally draining for me.

“Hindi ko naman dinadaya yung trabaho, e. So, napagod ako.

“And also because of my sons. Nagulat lang ako, my son Tomas is already 13 years old.

“And I’m trying to remember how many times was I with him. How many times was I’m not with him.

“I really was affected by that.

"And, I think," patuloy niya, "I put in 23 years in this industry, I can take a breather naman.

“I’m not being matapobre and saying I’ve had enough work anyway.

"It’s just I need to spend time with my family muna, maybe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s not final, but this is just me thinking of my crazy head.

"Like I said, this is me talking on top of all the traffic that I have to do.

“Basta, I think I’m going to slow down again. I have to focus on my family.”

IS MYLENE DIZON SETTLING DOWN?

Natawa si Mylene nang matanong kung kasama ba sa plano niyang retirement ang pagpapakasal sa kasintahang si Jason Webb, ang 45-year-old consultant ng Magnolia sa PBA.

Mabilis niyang pagtutuwid, “No, no. Not that, it’s just the kids, my family, my partner.

"It’s not easy because they’re growing up and I’m missing out.

“Medyo tumodo talaga ako.”

Gumagawa ng movie project ngayon si Mylene kasama si Carmina Villarroel, ang Sunod, sa ilalim ng TEN17.

Nakasalang pa rin si Mylene sa Kapuso teleseryeng Sahaya na pinagbibidahan ni Bianca Umali.

Sa mga naka-follow kay Mylene sa Instagram, makikita ang pagha-harvest ng aktres ng iba’t ibang gulay sa kanyang farm.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting sabi niya, “Oo, at nag-e-enjoy talaga ako roon.

“At talagang parang seryoso na rin si Jason na ituloy namin ito, which is something that I’m very likely to do.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close