Jak Roberto reveals the best thing about being Barbie Forteza's boyfriend

IMAGE Instagram

Jak Roberto on settling down with Barbie Forteza: “Maaga pa, kaka-two years lang namin, e... 'Tsaka she’s too young, di ba?”


Hindi pa napag-uusapan ng magkasintahang Jak Roberto, 25, at Barbie Forteza, 22, ang kasal.

“Maaga pa, kaka-two years lang namin, e,” nakangiting pakli ng Kapuso actor.

Kahit biruang usapan ng kasal ay wala.

“'Tsaka she’s too young, di ba?”

Ano ang pinakamagandang parte ng pagiging kasintahan ng isang Barbie Forteza?

“Hindi naging hadlang yung relasyon namin sa trabaho namin.

“Usually kasi, ang nangyayari, di ba, pag halimbawa may bini-build up na ka-love team, medyo ina-avoid muna yung maging showy, mga posting [sa social media].

“Ang maganda sa amin, wala kaming ganun.

"'Tapos, tanggap din kami ng lipunan… naks!” at tumawa si Jak.

Kahit hindi sina Jak at Barbie ang magka-love team noon ay tinanggap ng fans na may relasyon sila sa tunay na buhay.

“Iyon nga po, e. Parang hindi rin namin in-expect.

"Una, nung start pa lang kami, hindi muna namin sinasabi.

“Kasi, medyo takot kaming ma-pressure, takot kaming ma-judge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Takot kami na maraming maging problem, maraming mam-bash.

“So kami, parang low profile lang kami that time.

"Hindi namin itinatago, hindi rin namin ipinapakita sa tao.

“Pero since ngayon na parang nagsama na kami sa show ulit after Meant To Be, wala nang bini-build up na love teams, ako rin, wala rin akong leading lady na kailangan kong i-promote.

“So ngayon, mas naging... alam mo yun, suwabe, relaxed lang, kalmado lang lahat,” nakangiting lahad ni Jak.

Nagkasama muli sina Jak at Barbie sa natapos nang primetime series ng GMA-7 na Kara Mia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIRTHDAY GIFT

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jak sa GMA Network Center noong Hulyo 30, Martes, isang araw bago ang 22nd birthday ni Barbie.

Ano ba ang regalo niya kay Barbie?

“Ano lang, usually… hindi naman siya materyosa, gusto niya, mag-dinner-dinner. Gusto niya, quality time.

“Isa lang naman ang hilig nun e, yung Wagyu beef.

"Medyo pricey lang kasi kaya kapag may special occasion lang kami nandun, so ganun.”

Wala siyang iba pang materyal na bagay na regalo kay Barbie?

“Alam mo, ini-stalk ko na sa Instagram, e!

“Tinitingnan ko kung ano yung mga nila-like niya 'tsaka yung mga post na gusto niya.

"So far, wala, e! Wala pa akong nakikita na… lahat siya, lahat ngayon, meron na.

"Kasi, pag nagustuhan niya, yung ate niya sa Chicago, mine-message niya kaagad na i-order siya ng ganito, i-order siya ng ganyan.

“So, wala na akong chance para ako na yung bumili.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close