MMDA Asec. Celine Pialago gives more details about encounter with Doris Bigornia

Celine Pialago (left) on Doris Bigornia (right): "Pinakabastos kasi sa lahat ng ginawa niya yung duruin ako, sigawan ako, sa sarili naming opisina."


Nabasa na ni Metropolitan Manila Development Authority Assistant Secretary Celine Pialago ang aksiyon na gagawin ng ABS-CBN tungkol sa kanyang mga reklamo laban sa ABS-CBN News reporter na si Doris Bigornia.

"Okay na po ako diyan," sagot ni Pialago nang hingin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang reaksiyon sa desisyon ng ABS-CBN na ipaubaya sa Ombudsman ng Kapamilya Network ang pag-iimbestiga sa reklamo niyang paninigaw, paninira, at pananakit umano sa kanya ni Bigornia.

"Ayoko na palakihin pa to the point na maapektuhan ang aking ahensya at ang aking trabaho bilang tagapagsalita ng MMDA.

"Masaya ako at umaasa ako na lubos akong maiintindihan ng management ng ABS-CBN na hindi na healthy para sa aming dalawa ang magsama sa iisang opisina matapos niya akong sugurin, iduro, at hiyain sa mismo naming opisina na itinuturing kong aking pangalawang tahanan sa ngayon.

"With her presence within the vicinity of our office, I don’t feel safe anymore."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit hindi na safe ang kanyang pakiramdam sa presence ni Bigornia?

Sagot ni Pialago, "She shouted and pointed a finger on me in our own office.

"With her presence, I don’t feel safe.

"Grabe 'yan, Sir.

"Pinakabastos kasi sa lahat ng ginawa niya yung duruin ako, sigawan ako, sa sarili naming opisina.

"Ang nag-trigger ng reklamo ko, e, yung pagsugod niya, pagduduro niya sa harap ni GM Jojo Garcia [MMDA general manager] sa mismo naming office."

Patuloy ng MMDA assistant secretary, "One year na siyang bully at tiniis ko siya.

"Kasi alam ko na kapag public person ka, prone ka sa public scrutiny.

"Pero ang sugurin mo ako sa office namin kung saan personal ang meeting namin, naniniwala akong hindi yun ito-tolerate ng ABS- CBN.

"Sana magsilbing halimbawa ito na dapat tumatayo at lumalaban ang isang tao sa isang bully.

"Sana lahat ng nakaengkuwentro ni Miss Doris at na-bully niya ay mabigyan din ng pagkakataon na makapagreklamo nang pormal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I just sent my complaint through the help of their trunkline, I did not expect na mapapakinggan ako kaagad kaya salamat po sa ABS-CBN Management."

Hindi raw pinatulan ang pagiging confrontational ni Bigornia dahil nakatanim sa isip niya ang pangaral ng kanyang mga magulang na huwag lumaban sa mga matatanda.

OTHER COMPLAINTS AGAINST BIGORNIA

Hindi ito ang unang pagkakataong may nagreklamo laban kay Bigornia.

Noong May 2016, inireklamo rin siya ng Davao-based GMA-7 reporter na si John Paul Sarselo Seniel.

"Our DMNG Engineer Al Lim Ramz politely told you to excuse yourself from our camera since you became an eye sore to my live report.

"Mr. Bong Go and I were on cam, but you immediately scolded him (Ramz) and even told him, 'Sapakin kita (I'll hit you),'" ang Facebook post ni Seniel noong May 2016 tungkol sa rude behavior ni Bigornia habang iniinterbyu ng GMA-7 si former Secretary Bong Go.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ipinagwalang-bahala ng ABS-CBN ang reklamo ni Seniel laban kay Bigornia dahil naglabas din noon ng official statement ang Kapamilya Network tungkol sa insidente.

"ABS-CBN News is investigating the incident involving journalist Doris Bigornia that was the subject of an open letter/complaint by a GMA reporter.

"Bigornia has given her side of the story and we are now evaluating the claims and counter-claims of the two reporters.

"We have also reached out to the GMA reporter to discuss the issue.

"As we continue to investigate, we assure the public of our commitment to uphold the provisions of our Ethics and Standards Manual."

Hindi naman napabalita kung ano ang naging resulta ng nasabing imbestigasyon.

Samantala, mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ni Doris Bigornia kaugnay ng mga pahayag ni Celine Pialago.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close