Bea Alonzo overwhelmed by her fans' response amid controversy

IMAGE Cyrus Panganiban

Bea Alonzo remains silent after Julia Barretto directly accused her of bullying.


Gustung-gusto raw magpasalamat ni Bea Alonzo sa lahat ng sumusuporta sa kanyang pinagdadaanang kontrobersiya ngayon.

Ito ay kaugnay ng breakup nila ng aktor na si Gerald Anderson.

Mas lalo pang bumuhos ang simpatiya kay Bea pagkatapos siyang direktang paratangan ni Julia Barretto ng bullying.

Ito ay dahil daw sa pagla-like ni Bea sa mga post ng netizens na nag-uugnay kay Julia bilang third party sa hiwalayan nina Bea at Gerald.

Sa kasalukuyan, hindi pa sinasagot ni Bea ang mga paratang sa kanya ni Julia.

Inilabas ni Julia ang kanyang pahayag sa Instagram noong Martes, August 6. 

Biruan nga ng netizens sa social media—na nahahati sa #TeamBea at #TeamJulia—gusto na nilang matulog ngunit napupuyat daw sila sa kahihintay sa maaaring buwelta ni Bea kay Julia.

Pero makalipas ang tatlong araw, nananatiling tahimik ang kampo ni Bea.

May nakapagsabi naman sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nakikipag-usap diumano ang kampo ni Bea sa isang lawyer para gumawa ng statement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pera walang makapagkumpirma nito.

GRATEFUL BEA

Kagabi, August 8, kumalat sa social media ang usapan ng isang fan ni Bea at ng malapit na kaibigan at make-up artist ng aktres na si Varda Atienza.

Ayon kay Varda, walang pagsidlan ang kasiyahan ni Bea sa pagbuhos ng suporta sa kanya.

Mensahe ni Varda sa fan na kausap niya tungkol sa kalagayan ngayon ng aktres (published as is):

“Actually she really wanted to Thank Everyone specially the fans, The Hard working People Loving her, nababasa nya lahat ng sinesend nyo.

“I was with her last night.

“She overwhelm with respond.

“Sobrang Salamat in behalf of her.

“Please Extend our Biggest Thank You to Everyone.

“She was overwhelmed with the response.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

July 21 nang mag-post si Bea ng isang cryptic message sa Instagram tungkol sa panloloko kung saan tila napuno na raw ang aktres.

Lalong umugong ang balitang hiwalay na sila ni Gerald dahil sa mga kumalat na larawan at video ng aktor at ni Julia sa labas ng isang bar sa Bonifacio Global City, Taguig City, matapos silang dumalo sa birthday party ni Rayver Cruz.

Inamin naman ni Bea sa isang panayam na wala silang formal breakup ni Gerald dahil bigla na lamang daw siyang hindi kinibo ng nobyo.

Mariin namang itinanggi nina Gerald at Julia na may kinalaman ang huli sa breakup ng aktor at ni Bea.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close