KC Concepcion: "I have NEVER BEEN PREGNANT in my life."

IMAGE @itskcconcepcion on Instagram

KC Concepcion once again dispels rumors that she is pregnant. “That rumor has been going around since my college years FOR NO REASON."


“You guys have to stop with these ‘pregnant’ rumors already.”

Ito ang pakiusap ni KC Concepcion sa hindi mamatay-matay na isyung buntis siya.

Ngayong August 8, Huwebes, nag-conduct ang 34-anyos na actress-singer ng question-and-answer session sa kanyang followers sa Instagram.

Isa sa mga sinagot ni KC ay ang isyung pagbubuntis niya na paulit-ulit na nabubuhay.

Tanong ng netizen: “Are u pregnant kc”

Tahasan itong itinanggi ni KC.

Sabi niya: “You guys have to stop with these ‘pregnant’ rumors already.

“That rumor has been going around since my college years FOR NO REASON.

“I have NEVER BEEN PREGNANT in my life. In fact, HOW I WISH I COULD BE!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isa pang netizen na nagkomento sa isyung ito na ipinupukol kay KC.

Sabi ng netizen: “Ang bansang tumaba ka lang BUNTIS ka na, PHILIPPINES!!! Hahahaha. Love you kace.”

Sinang-ayunan naman ito ni KC.

Halata rin sa kanyang sagot ang pagkarindi sa isyung paulit-ulit na nabubuhay.

Aniya, “Korek!!! Kaya nga eto nagpapapayat na ko at nageenjoy sa life at baka mapagkamalan pa akong buntis ng paulit ulit…ulit ulit…ulit ulit… walang katapusan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close