Vice Ganda quips about netizens waiting for Bea Alonzo's reply to Julia Barretto

IMAGE Instagram

Vice Ganda spoofs Julia Barretto's statement versus Bea Alonzo: "I don't care if you choose to be the victim. But I will never be your victim."


Idinaan ni Vice Ganda sa biro kung gaano katutok ang publiko sa kontrobersiya sangkot sina Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Julia Barretto. 

Tahasan niyang binanggit ang pag-abang ng netizens sa sagot ni Bea sa alegasyon ni Julia na pailalim umano itong binully ni Bea nitong mga nakaraang linggo. 

Base ito sa opening spiels ni Vice sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime, Miyerkules ng tanghali, August 7. 

"Mag-concentrate muna tayo sa mga magaganap today.

"At iwasan niyo muna at tigil-tigil muna ang abang-abang sa reply ni Bea, OK?

"Dito muna tayo.

"Hindi yung isang buong gabi, nag-aabang kayo ng reply na ang dami niyong napuyat." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JULIA'S ALLEGATION, BEA'S SILENCE

Ang tinutukoy ni Vice ay Instagram post ni Julia noong gabi ng August 6, kunsaan diretsahang pinangalanan niya si Bea at inakusahan ito ng paninira at pambu-bully sa kanya sa social media. 

Diin ni Julia, idinawit siya ni Bea sa hiwalayan nito at ni Gerald sa pamamagitan ng pag-post ng cryptic message sa Instagram at pag-like ng umano'y "harmless photos" kunsaan makikitang magkasama sina Julia at Gerald. 

Dahil sa isyu, nag-trend sa Twitter ang mga pangalan nina Julia, Bea, at Gerald na mainit na pinag-uusapan ng netizens. 

Marami ang naghintay kung sasagutin ito ni Bea, pero hanggang sa kasalukuyan ay tikom ang bibig nito sa mga paratang ni Julia. 

VICE SPOOFS JULIA'S ALLEGATION VS BEA

Sa "BidaMan" segment ng It's Showtime kahapon, muling humirit si Vice tungkol sa Bea-Gerald-Julia issue. 

Habang iniinterbyu ang isang "BidaMan" contestant tungkol sa ex-girlfriend nito, biglang nakipagbatuhan si Vice ng mga madramang linyahan para sa isang impromptu skit. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hirit ni Vice, "'Lagi kang ganyan. Pa-victim ka.

"I don't care if you choose to be the victim. But I will never be your victim." 

Naghiwayan ang audience at saka sinabi ni Vice, "Sabi?! Chugug!" 

Base sa linya ni Vice, tila spoof ito ng isang bahagi sa Instagram post ni Julia kunsaan sinabi nitong hindi niya hahayaang maging biktima ng pambu-bully diumano ni Bea. 

"You can play victim all you want, but I refuse to be your victim," saad ni Julia patungkol sa umano'y reaksiyon ni Bea sa breakup nito at ni Gerald at sa umano'y pandadawit sa kanya sa isyu. 

VICE ASKS CONTESTANT ABOUT GHOSTING

Isa pang "BidaMan" contestant "na nang-ghost" ng fiancée nito ang inusisa ni Vice. 

Tinanong ni Vice ang contestant kung hindi ba nito naisip ang "sakit" na naramdaman ng fiancée nito na umasang pakakasalan niya ito at "gumising na lang isang araw wala ka na at hindi na nagpakita."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumagot naman ang contestant na mabait ang kanyang fiancée, pero prayoridad daw niya ang kanyang pamilya. 

Pagkatapos ay ipinaliwanag ni Vice na sinusubok niya kung gaano kagaling sumagot ang "BidaMan" contestant para handa na ito sa paano sumagot sa press sakaling mag-showbiz ito. 

Sa puntong ito, malinaw na sumagi sa isip ni Vice ang nag-trending na balita tungkol sa umano'y ginawang "ghosting" ni Gerald kay Bea

Hirit kasi ni Vice, "Kaya namin ginagawa ito, we are preparing you actually.

"Imadyinin mo, si Gerald at si Bea, in-interview si Gerald, ta’s ganyan sumagot, sa palagay mo may manonood pa ng pelikula ni Gerald?"

Sagot ng contestant, "Wala na po. Sorry po."

VICE GANDA: MOVE OVER BEA, GERALD, JULIA

Habang iniinterbyu ang sumunod na contestant ng "BidaMan," masayang ibinalita ni Vice na trending sa Twitter ang It's Showtime at hindi na ang Bea-Gerald-Julia issue. 

"Tayo na ang trending! Kasi kagabi Bea, Gerald, Julia, yun ang mga trending.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, naiba na muna. Pasensiya na, kami muna ang trending."

Tila aminadong tutok din si Vice sa isyu dahil noon pa lang July 31 ay nagkomento siya sa It's Showtime na napa-marathon daw siya ng mga pelikula ni Bea na mapapanood sa Netflix. 

"Mahal ko siya," sabi pa noon ni Vice patungkol kay Bea. 

THE BEA-GERALD-JULIA ISSUE

Noong July 26, inamin ni Bea na wala silang formal breakup ni Gerald, na bigla na raw siyang hindi kinausap. 

Hindi sinabi ni Bea kung ano ang dahilan kung bakit nauwi sa wala ang halos tatlong taong relasyon nila ni Gerald. 

Pero almost two weeks nang tampok ng espekulasyon sa social media kung ang July 21 Instagram post ni Bea tungkol sa pag-alma niya sa pagkakamaling ginawa sa kanya ay may kinalaman sa hiwalayan nila ni Gerald. 

Pati na rin ang pag-like ni Bea sa mga litratong kuha nina Gerald at Julia ay hinihinalang may ugnayan sa isyu. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

August 5 nang basagin ni Gerald ang kanyang pananahimik sa isyu at sinabing hindi totoo ang bali-balitang si Julia ang dahilan ng hiwalayan nila ni Bea. 

Sa kabilang banda, kinumpirma ni Gerald ang report ng Cabinet Files sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na tinawagan siya ng ama ni Julia na si Dennis Padilla. 

Aminado si Gerald na "concerned" si Dennis sa pagkakadawit ng anak sa breakup ng binata at ng girlfriend nitong si Bea. 

Pero hindi nagkomento si Gerald sa impormasyong nakalap ng Cabinet Files na umamin siyang hiwalay na sila ni Bea at nanliligaw siya ngayon kay Julia. 

Kinabukasan, August 6, nagsalita si Julia tungkol sa pagkakadawit niya sa isyu. 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close