Gerald Anderson says he tried to reach out to Bea Alonzo but got no response

IMAGE Noel Orsal

Gerald Anderson on ex-girlfriend Bea Alonzo: "I will never forget yung mga good moments namin that we had together. There was a lot of good moments.”


Sinubukan daw ni Gerald Anderson na mag-reach out kay Bea Alonzo nang lumaki na nang husto ang isyu tungkol sa kanilang hiwalayan, pero hindi raw sumagot ang aktres.

Ayon kay Gerald, may apat na linggo o isang buwan na mula nang mangyari ang malaking away nila ni Bea na “umabot sa point na ayawan na talaga.”

Simula raw noon, hindi na sila nagkausap ni Bea.

July 21, Linggo, kumalat sa social media ang paparazzi shots nina Gerald at Julia na in-upload ng isang netizen.

Ibig sabihin, higit dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang pumutok ang isyu.

“Nung lumabas na at medyo lumaki siya, I tried to reach out through our manager and personally.

"But siyempre, I respect that she didn’t respond and I respect that she wanted no communication," pahayag ni Gerald sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News noong Lunes, August 5.

Dagdag pa ng aktor, “It hasn’t been easy and it hasn’t been easy for her also."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Muli, idiniin ni Gerald na walang katotohanan ang isyung si Julia Barretto ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Bea.

“Walang outside force, walang ibang tao na naging dahilan ng breakup.

“Para sa akin, it’s always been our personal issues.

“Things that we… things inside our relationship.

“No one else was the reason and cause of the breakup.”  

Sa naunang interview kay Bea noong July 26, sinabi nitong wala silang formal breakup ni Gerald.

Bigla na lang daw siyang hindi kinausap ng aktor.

CONVERSATION WITH DENNIS PADILLA

Kinumpirma naman ng aktor ang report ng Cabinet Files na nagkausap sila ni Dennis Padilla, ama ni Julia.

Tumawag daw si Dennis para tanungin kung bakit nadadawit ang pangalan ni Julia sa breakup nina Gerald at Bea.

Pagkumpirma ni Gerald, “Si Sir Dennnis, tumawag siya sa akin, he called me.

“I answered the phone. We had a good conversation.

“Tumawag siya kasi isa siyang concerned father. Anak niya iyon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And siyempre, alam natin na grabe din yung bashing sa side nila and no one deserves that.

“We had a very good conversation.”

Inilahad din ni Gerald na kahit ang ina ni Julia na si Marjorie Barretto ay nakausap niya.

“Even sina Tita Marjorie, I got to meet their family before and she has a very beautiful and nice family.

“And one thing is for sure, they're very strong and united, so it’s just unfortunate na nadamay and it happened.

“They’re all together.”

Inamin din ni Gerald sa panayam na nagkausap sila ni Julia tungkol sa isyung kinasasangkutan nila.

“Nakakausap ko siya, I mean, lalo nung… was it four weeks ago? Mga three weeks nung nagsimula [ang isyu]?

“From what I know, she’s very strong also and moving on from here from now on.”

Hindi naman napag-usapan sa interview kung totoong nililigawan ni Gerald si Julia, o kung ano ang tunay na estado ng relasyon nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GERALD'S APPEAL TO THE PUBLIC

May pakiusap si Gerald sa publiko na aniya ay pinagpipistahan ang isyu nila.

Saad niya, “And just hope and pray and everybody respects.

“You guys had fun, you guys had fun with it, and huwag ninyong kalimutan na kahit celebrities kami, tao pa rin kami.

“We have the same emotions you guys have.

“It hasn’t been easy sa kahit anong party or the people involved.

“Konting respeto lang.”  

Ikinalulungkot daw ni Gerald na pinagpipistahan ng publiko ang pribado niyang buhay.

“It’s sad, disappointing, disappointed with myself…

“We’re sitting here talking about my relationship sa harapan ng maraming tao, para sa maraming tao.

“It’s not a very proud moment. We’re talking about my failed relationship."

Gayunpaman, sinabi ni Gerald na naging masaya sila ni Bea sa tatlong taong relasyon nila.

“But, kahit naging ganito ang ending namin, it doesn’t defy what we had.

“At the end of the day, no negativity, no comment, no meme, nothing…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit pinagtatawanan ng maraming tao…

"That I will never forget yung mga good moments namin that we had together.

"There were  a lot of good moments.”"


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close