Supreme Court Justice asks Bea Alonzo, Julia Barretto: "Is he really worth it?"

IMAGE Cyrus Panganiban / Shaira Luna

In a tweet, Supreme Court Justice Marvic Leonen asked Bea Alonzo (left) and Julia Barretto (right) if Gerald Anderson was "really worth" their spat.


Maging si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ay nagpahayag ng maikli ngunit malamang komento sa kontrobersiyang kinasasangkutan nina Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Julia Barretto.

Patanong na tweet ng High Court justice ngayong Miyerkules, August 7, na nakadirekta kina Julia at Bea: “Dear Bea and Julia, is he really worth it? #JustAsking.”

Libo naman ang nag-retweet ng nasabing post ni Justice Leonen, na ayon sa isang netizen ay “naapektuhan na” sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbiro naman ang ilang nagkomento na posibleng umabot na sa Supreme Court ang sagutan ng mga sangkot sa kontrobersiya, dahil “bothered” na ang isa sa mga mahistrado ng bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kilala si Justice Leonen sa malayang pagpapahayag sa Twitter ng kanyang opinyon sa iba-iba at maiinit na isyu.

JULIA CLEARS HERSELF ON THIRD-PARTY ALLEGATIONS

Samantala, trending pa rin si Julia sa social media hanggang ngayong Miyerkules dahil sa pagkakadawit sa hiwalayan nina Bea at Gerald.

Ito ay makaraang itanggi ni Julia, sa isang Instagram post nitong Martes ng gabi, na may kinalaman siya sa breakup ng kapwa Kapamilya stars.

Sa nasabing post, inakusahan pa ni Julia si Bea ng “bullying” sa social media.

Bukod kay Justice Leonen, ilang celebrities din ang nagpahayag ng kani-kanilang opinyon sa isyu.

Nauna nang gumawa ng ingay ang pagpapahayag ng suporta ni Gretchen Barretto, tiyahin ni Julia, kay Bea.

Sumagot kasi si Gretchen ng “TEAM BEA FOR THE WIN” sa negatibong post ng isang netizen laban sa kanyang pamangkin.

Nag-akusa rin si Gretchen na si Julia “hired a ghost writer” para sa nasabing post.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CELEBRITIES SHARE THEIR OPINIONS

Sa Twitter ngayong Miyerkules, may pahaging ang simpleng reminder ni Vice Ganda sa kanyang followers tungkol sa inaabangan ng marami na sagot ni Bea sa pahayag ni Julia.

Tweet ng It’s Showtime host, “Gandang umaga!!!! Make this day productive. Wag puro abang sa sagot ni Bea! Chugug!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Martes ng gabi naman nang nag-post sa Facebook ang comedian-talent manager-radio program host na si Ogie Diaz ng kanyang opinyon sa kontrobersiya.

“Pahupa na, eh. Sana, di na lang nagsalita si Julia Barretto,” saad sa post ni Ogie.

May parunggit din si Ogie kung nagkataon lang na magkasunod na naglabas ng kanilang mga pahayag sa isyu sina Julia at Gerald.

“Kahapon nagsalita si Ge, si JB ngayon. Nag-usap kaya sila?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lunes ng gabi, August 5, nang nagpa-interview si Gerald upang linawing walang third party sa hiwalayan nila ni Bea.

Pabiro namang nag-suggest si Ethel Booba na “Victims of Love” ang kantang babagay sa sitwasyon ngayon ng mga sangkot sa isyu.

“Now playing: Victims of Love. Charot!” tweet ni Ethel noong Martes ng gabi.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinundan ito ni Ethel ng isa pang tweet ngayong Miyerkules ng umaga, na mistulang patama naman kay Julia.

“Grabe ang lakas ng ulan. Inuulan ka ng batikos. Charot!”

Simula kasi nang mag-post si Julia noong Martes ng gabi ay umani na ng hindi magagandang komento sa social media ang young actress, bagamat mayroon din namang mga nagpahayag ng suporta sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close