Lovi Poe spends time with rumored foreigner boyfriend in Davao

IMAGE @lovipoe Instagram

Lovi Poe shows pictures of Montgomery Blencowe while they are vacationing in Davao.


Tila patuloy ang magandang pagtitinginan ni Lovi Poe at ng rumored foreigner boyfriend niyang si Montgomery Blencowe.

Si Blencowe, base sa IMDB.com, ay executive producer ng American films tulad ng Escape Plan 2: Hades (2018) at Marauders (2016).

Kasalukuyang nagbabakasyon sa Pilipinas si Montgomery, base sa Instagram Stories ng Kapuso actress.

Noong August 5, ibinahagi ni Lovi ang ilang litrato ni Montgomery na may Instagram handle na @montyblencowe.

Isa rito ay group picture kunsaan napapaligiran ang binata ng tatlong babae na game namang kinunan ng litrato ni Lovi.

"@montyblencowe Trying to find him and he's with other women," nagbibirong saad sa caption ni Lovi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahapon, August 7, ipinakita naman ni Lovi ang litrato ni Montgomery habang sakay ng isang bangka.

Naka-tag dito ang isang kilalang resort sa Davao.

GOODBYE CHRIS, HELLO MONTGOMERY

Huling nabalitang karelasyon ni Lovi ay ang French na si Chris Johnson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi inihayag ni Lovi kung kailan sila naghiwalay ni Chris, pero 2018 pa lang ay may mga netizen nang nakapansing hindi na nakikitang magkasama ang dalawa.

November 2018 huling nag-post si Lovi ng group picture kunsaan pareho silang dumalo ni Chris sa isang birthday party. 

Nang magbakasyon si Lovi sa U.S. noong January 2019 unang namataan sa isa sa mga Instagram posts ng aktres na kasama niya ang U.S.-based English producer.

Mailap si Lovi nang minsang tinanong siya tungkol sa ugnayan nila.

Hanggang sa ang Kapuso actress na mismo ang nag-post ng litrato nila ni Montgomery nang dumalo sila noong June 26 sa Royal Ascot, isang annual horse-racing event sa Ascot, Berkshire, England. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Is Lovi Poe dating film producer Montgomery Blencowe?
Is Lovi Poe dating film producer Montgomery Blencowe?
Lovi Poe Instagram shows the beauty of Los Angeles
Lovi Poe Instagram shows the beauty of Los Angeles
Heart explains why Lovi won't settle down yet
Heart explains why Lovi won't settle down yet
Lovi Poe still on speaking terms with ex-BF Jolo Revilla
Lovi Poe still on speaking terms with ex-BF Jolo Revilla


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close