Julia Barretto moves on to "next chapter" despite intrigues

IMAGE @juliabarretto Instagram

Three days after posting a feisty message for Bea Alonzo, Julia Barretto alludes to moving forward to the "next chapter" of her life.


Nagpahiwatig si Julia Barretto na handa na siyang mag-move on sa alegasyong nag-uugnay sa kanya sa hiwalayan ng magkasintahang Bea Alonzo at Gerald Anderson

Nitong Biyernes ng gabi, August 9, nag-post si Julia ng litrato niyang may simpleng caption na "Next chapter." 

Naghayag ng suporta ang mga kapatid ni Julia na sina Dani, Claudia, at Leon Barretto sa limited comments' section ng Instagram account ng 22-year-old Kapamilya actress. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tatlong araw na ang nakalilipas, o noong August 6, nang nagbitiw si Julia ng maiinit na salita laban sa diumano'y pailalim na pambu-bully sa kanya ni Bea sa social media. 

Hanggang sa kasalukuyan ay tikom ang bibig ni Bea ukol dito. 

OPTIMISTIC JULIA

Noong August 7, nag-tweet pa si Julia na nananatiling positibo ang pagtingin niya sa buhay sa kabila ng mga sanga-sangang isyung kinasasangkutan. 

Base ito sa usapan nila ng nakatatandang kapatid na si Dani. 

Tweet ni Julia kay Dani: "your beautiful baby girl is on the way, that is every woman's dream including mine. 

"see? There are so many beautiful things in life to look forward to. 

"Hold on to that." 

Hindi makita kung ano ang mensahe ni Dani kay Julia dahil naka-private ang Twitter ng nakatatandang Barretto. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JULIA'S SUPPORT SYSTEM

Tila isang patunay na hindi patitinag si Julia sa bashers ay ang masayang "dinner date" nila ng kanyang pamilya kagabi, August 7. 

Kakauwi lang ni Julia galing ng San Jose, California, U.S.A., kunsaan kasama siya ng ilang Kapamilya stars na nag-show doon para sa ASAP Natin To Bay Area.

Si Marjorie ang nag-post ng litrato kunsaan makikitang nakangiti si Julia at pati mga kapatid ng Kapamilya actress na sina Dani at Claudia. 

Naroon din ang mister ni Dani na si Xavi Panlilio at boyfriend ni Claudia na si Basti Lorenzo. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Vice Ganda quips about netizens waiting for Bea Alonzo's reply to Julia Barretto
Vice Ganda quips about netizens waiting for Bea Alonzo's reply to Julia Barretto
Supreme Court Justice asks Bea Alonzo, Julia Barretto:
Supreme Court Justice asks Bea Alonzo, Julia Barretto: "Is he really worth it?"
Bela Padilla explains dinner with Bea Alonzo, unfollowing Julia Barretto
Bela Padilla explains dinner with Bea Alonzo, unfollowing Julia Barretto
Julia Barretto, hindi sinagot kung may namamagitan sa kanila ni Gerald Anderson
Julia Barretto, hindi sinagot kung may namamagitan sa kanila ni Gerald Anderson


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close