Jackie Rice laughs off alleged inclusion in escort service website; jokes about P2M booking fee 

IMAGE @jackierice Instagram

In her Instagram Stories, Kapuso actress Jackie Rice quashes website's claim about her offering "escort" service to its "VIP members."


Hindi sineryoso ni Jackie Rice, 29, ang malisyosong pagdawit sa pangalan niya sa isang sinasabing "escort service" website. 

Ibinahagi pa ni Jackie ang screenshot ng website kunsaan nakalathala ang kanyang mga litrato. 

Inilarawan siya bilang isang "Filipina actress" na "willing" i-offer ang kanyang "services" sa "VIP members" ng naturang website. 

Sabi pa rito, "PHP - 2 million" ang "rate" ni Jackie kada "3 Hours - 2 pops." 

Kalakip nito ang nagbibirong caption ni Jackie, "Please check their site and book me now." 

Si Jackie ay Kapuso actress na nanalong Female Ultimate Survivor sa GMA-7 reality show na StarStruck Season 3 noong 2005. 

Huli siyang napanood sa 2019 Kapuso advocacy-serye na TODA One I Love, na pinagbidahan nina Ruru Madrid at Kylie Padilla.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LAUGHING OVER SUPPOSED "PHP2M" BOOKING FEE

Patunay na tinawanan lang ito ni Jackie ay ang kasunod niyang Instagram Stories na naglalaman ng private chat niya sa isang kakilala na nakabasa ng pagdawit sa Kapuso actress ng isang escort service website. 

"Goodnight no worries natatawa nalang ako sa gumawa kaya pinost ko pa," saad ni Jackie kalakip ang laughing-with-tears emojis. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa isyu, nag-trending sa Twitter ang pangalan ni Jackie. 

Kaya biro pa ng Kapuso actress, "Masyado akong trending! Magpapa taas na ako sa 2M." 

WEBSITE SHUTS DOWN SERVER

Sa huli, ipinakita ni Jackie ang anunsiyo sa escort service website na naka-down na ang "server" nito dahil sa dami diumano ng nag-view sa kanilang site. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pano naman ung magbobook sakin, bakit naman dinown mo ung system," hirit pa niya. 

Pinakita rin ni Jackie ang chat nila ng isa niyang kakilala na binibiro siya tungkol sa kinikita niyang "milyones" dahil sa pakikipag-ugnay niya sa website. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close