Bela Padilla calls out Grab driver for revealing home address on radio system

IMAGE Noel Orsal

Bela Padilla calls out Grab driver for revealing home address on radio system: "This can’t possibly be right."


Malaki ang pagkakadismaya ng aktres na si Bela Padilla sa driver ng Grab Philippines, isang ride-hailing app, na naghatid sa kanya noong Biyernes, August 9.

Sa isang tweet noong araw na iyon, sinabi ni Bela na isiniwalat ng driver na na-book nito mula sa nasabing transportation company ang kanyang home address sa isang radio system.

Isa itong paglabag ng privacy policy ng nasabing kompanya.

Tweet ni Bela, "Rode grab today and the driver announced on the grab radio where I live. Hello @grabph [emoji] this can’t possibly be right."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Agad namang nag-reply ang Grab Philippines sa naging reklamo ni Bela at sinabing agad nitong aaksiyunan ang pangyayari.

Ang buong reply ng Grab Philippines: "Hi Bela! We’re so sorry to hear about your experience :( This incident shouldn’t have happened since we value every passenger’s safety and privacy. We sent you a DM to help move our investigation forward. Thank you!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang Instagram Live session noon ding Biyernes, ikinuwento rin ni Bela sa kanyang mga fans ang nangyari.

Narinig niya pala mismo ang driver nang sabihin nito ang kanyang home address sa radio system ng Grab drivers.

Hindi raw nagawang magalit ni Bela dahil hindi siya yung tipo na nangungumpronta.

Natanong rin pala ni Bela ang driver kung bakit nito ibinahagi ang kanyang address ngunit hindi na naikuwento ng aktres ang sagot nito.

Ayon kay Bela, nakaramdam siya ng security threat dahil sa ginawa ng driver at sinabing, "Parang na-sad na lang ako."

Sa ngayon, wala pang update na ibinahagi ang Grab Philippines sa kanilang social media accounts sa mga aksiyong ginawa nila sa reklamo ni Bela.


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close