Kim Chiu, Maja Salvador flaunt restored friendship

IMAGE @chinitaprincess and @iammajasalvador on Instagram

Besties Kim Chiu and Maja Salvador post on Instagram their photos taken at Times Square in New York City.


Magkasunod na nag-post ng litrato nila habang nagba-bonding sa Times Square sa New York City sina Kim Chiu at Maja Salvador.

Sobra naman itong ikinatuwa ng fans na sumusubaybay sa pagkakaibigan ng dalawang Kapamilya stars.

Kabilang sina Maja at Kim sa mga nag-perform para sa Kapamilya World Fiesta sa New Jersey nitong Linggo, August 11.

Magkahawak-kamay at ngiting-ngiti habang nakatayo sa Times Square ang magkaibigan sa mga litratong kapwa nila ibinahagi sa Instagram nitong Linggo.

Naunang nag-post si Maja.

Caption ni Maja sa dalawa nilang litrato ni Kim: “See you later mga kababayan dito sa New Jersey! (heart emoji) Hi Kimmmeeey @chinitaprincess (wave, kiss emojis) #KFWNewJersey2019.”

View this post on Instagram

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

Limang photos naman ang ipinost ni Kim makalipas ang ilang oras (as published):

“endless reminiscing with this one, remembering our kalokohan before.., laugh here and there, stories this and that. (laughing emoji)

“from wedge, heels, to white sneakers now!!!! (wedge, heels, sneakers emojis) hahaha (laughing emoji)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“some things never change!! still the same us!!! (two girl friends, pink heart emojis)

“fun times in time square at 1am! (USA flag).”

May pahabol pang pagbati si Kim sa bagong teleserye ni Maja, ang The Killer Bride: “congrats on #killerbride mamaya na!!! (wink emoji) @iammajasalvador.”

View this post on Instagram

A post shared by Kim Chiu ???? (@chinitaprincess) on

Sinimulan nang ipalabas ang The Killer Bride sa ABS-CBN kagabi, August 12.

NETIZENS REACT

Nagpahayag naman ng katuwaan ang maraming fans nina Kim at Maja sa mga litrato ng bonding nila sa New York.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Batay sa mga komento ng kani-kanilang followers, na-miss nila ang makitang magkasama sina Kim at Maja.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinuri rin ng netizens ang “restored friendship” ng dalawang Kapamilya actresses na “sinubok at pinagtibay ng panahon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KIM-GERALD-MAJA CONTROVERSY

Taong 2013, at kasagsagan ng teleserye nina Kim at Maja na Ina, Kapatid, Anak, nang nagkaroon sila ng alitan makaraang aminin ni Maja na nagde-date sila ni Gerald Anderson, ex-boyfriend ni Kim.

Kapwa produkto ng Pinoy Big Brother: Teen Edition, nauwi sa totohanang relasyon ang love team nina Kim at Gerald, na nagtapos noong 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasunod nito, ilang taong hindi nagpansinan sina Kim at Maja hanggang sa mapaulat na nagkaayos sila noong April 2014.

Pagsapit ng 2015 ay nagkahiwalay rin sina Gerald at Maja.

BEA AND JULIA THIS TIME

Ilang netizens na nagkomento sa posts nina Kim at Maja ang hayagang nag-ungkat sa nasabing kontrobersiya, at nagbanggit pa sa pangalan ni Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit din ng netizens maging ang pangalan nina Bea Alonzo at Julia Barretto, na napapagitna ngayon sa halos parehong sitwasyon, na kinasasangkutan uli ni Gerald.

Ang kaibahan lang, hindi mag-best friends sina Bea at Julia, na nagkatrabaho sa teleseryang A Love to Last noong 2017.

Nadadawit ang pangalan ni Julia sa hiwalayan nina Gerald at Bea, bagamat pareho nang pinabulaanan nina Julia at Gerald ang isyu ng third party.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapansin-pansin ding binigyang-diin ng ilang netizens kung paanong pareho nang masaya ngayon sina Kim at Maja sa kani-kanilang love life.

Nobyembre 2018 nang sa wakas ay aminin ni Kim na matagal na silang may relasyon ng ka-love team niyang si Xian Lim.

March 2019 naman nang kinumpirma ni Maja na nakabalikan niya ang dating nobyo, ang businessman na si Rambo Nuñez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close