Bea Alonzo moves on from controversial breakup; bonds with friends

IMAGE Cyrus Panganiban / @jodietarasek Instagram

Weeks after speaking up about her heartbreak, Bea Alonzo is seen spending time with Paulo Avelino, his girlfriend Jodie Tarasek, cager LA Tenorio, and his wife Chesca.


Hindi pa rin sinasagot ni Bea Alonzo ang mainit na pag-alma ni Julia Barretto sa umano'y malisyosong pagdawit sa kanya sa hiwalayan ng Eerie star at boyfriend nitong si Gerald Anderson. 

Ang tanging ipinahiwatig ni Bea ay unti-unti na siyang nagmu-move on sa pagkasira ng relasyon nila ni Gerald. 

Nitong nagdaang weekend, nakatawag ng pansin ang pagpalit ni Bea ng Instagram bio niya. 

Saad niya rito, "One day at a time." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KEEPING BUSY

Kasabay nito ay namataan si Bea kasama ni Paulo Avelino at non-showbiz girlfriend ng actor na si Jodie Tarasek. 

Naroon din sa kanilang umpukan ang basketball player na si LA Tenorio at asawa nitong si Chesca. 

Si Jodie ang nagbahagi ng litrato ng kanilang grupo sa kanyang Instagram Stories noong August 11.

 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaila na isa si Paulo sa mga malapit na katrabaho ni Bea na naghayag ng suporta sa kanya noong kasagsagan ng pag-amin ng aktres na hiwalay na sila ni Gerald.

Nag-trend pa sa Twitter ang pahaging ni Paulo nang umano'y panggo-ghosting ni Gerald kay Bea. 

Kaugnay ito ng bersiyon ng kuwento ni Bea na bigla na lang daw siyang hindi kinausap ni Gerald at wala umanong pasabing nakipaghiwalay sa kanya. 

Sina Bea at Paulo ay nagkatambal sa 2014 ABS-CBN drama series na Sana Bukas Pa Ang Kahapon at sa 2018 movie na Kasal.

ATTENDING MASS

Bukod sa pakikipag-bonding sa mga kaibigan, namataan din si Bea na nagsimba nitong nagdaang weekend. 

Ikinatuwa naman ng mga tagasuporta ni Bea na makitang tila desidido ang aktres na mag-move on.

Base ito sa comments ng netizens na nakakalap ng impormasyon sa mga pinagkakaabalahan ni Bea ngayon. 

 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Vice Ganda quips about netizens waiting for Bea Alonzo's reply to Julia Barretto
Vice Ganda quips about netizens waiting for Bea Alonzo's reply to Julia Barretto
Bela Padilla explains dinner with Bea Alonzo, unfollowing Julia Barretto
Bela Padilla explains dinner with Bea Alonzo, unfollowing Julia Barretto
Gerald Anderson says he tried to reach out to Bea Alonzo but got no response
Gerald Anderson says he tried to reach out to Bea Alonzo but got no response
Julia Barretto accuses Bea Alonzo of bullying
Julia Barretto accuses Bea Alonzo of bullying


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close