Markus Paterson speaks up about rumored relationship with Janella Salvador

IMAGE Arniel Serato / Noel Orsal

Markus Paterson on rumored relationship with Janella Salvador: "What you see is what you get, ganun lang ang sasabihin ko.”


Hindi direstong masagot ng baguhang aktor na si Markus Paterson ang tanong tungkol sa totoong estado ng relasyon nila ni Janella Salvador.

"We’re good,” sambit niya.

Nagdi-date ba sila?

Sagot ni Markus, “What you see is what you get, ganun lang ang sasabihin ko.”

Ito rin ang sinabi ni Janella sa hiwalay na panayam sa kanya noong Hunyo.

Walang label?

Ayon kay Markus, “Of course, kasi sa amin, like, obviously for me, of course, iba talaga ang personal life sa career and parang ayaw kong ipaghalo, kasi gusto ko talaga i-protect yung whatever we have.”

Gusto ba nila gawing private kung anuman ang namamagitan sa kanila?

Tugon ng Star Magic artist, “Yes, mas maganda private.

"Kasi, obviously, with my experience and her experience, parang nag-agree kami na it's better na para sa aming dalawa lang.

"Parang whatever we have, it's just for us, kasi ang daming makikialam.

"It’s harder when there are so many other people involved in whatever we have.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Markus ngayong Martes, August 13, sa announcement ng Cignal Entertainment, October Train Films, at The IdeaFirst Company na ang pelikula nilang Ang Babaeng Allergic Sa WiFi ay available na for streaming sa Netflix simula August 21.

Bukod kay Markus, present din sa announcement ang co-stars niyang sina Jameson Blake at Angeli Nicole Sanoy, Jane Jimenez Basas (President & CEO of Cignal TV Inc.), Guido Zaballero (Cignal, Head of Marketing), Jun Lana, at Perci Intalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO LABEL

Sa set ng Maalaala Mo Kaya noong Pebrero 2019 nagkakilala sina Markus at Janella.

Simula raw noon ay naging maganda na ang pagtitinginan nila.

Bakit kaya ayaw nilang lagyan ng label kung anuman ang mayroon sila?

Sagot ni Markus, “Honestly, what you see is what you get, like, label or not label, I don’t think it really matters.”

Kahit wala pa mang matatawag na label, masasabing may maganda na silang ugnayan.

Sabi pa ni Markus, “Kasi, it’s a lot better that whatever we have is ours, you know.

“Kahit showbiz kami or hindi, like, it’s obviously better for our relationship regardless of what relationship it is, will stay in between those two people.”

Ang huling nakarelasyon ni Janella ay si Elmo Magalona.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close