Jackie Forster, Kobe Paras slam Arwind Santos for racial taunt against PBA import

IMAGE @jackie_forster on Instagram / Spin.ph (Arwind Santos)

Jackie Forster and son Kobe Paras slam San Miguel player Arwind Santos for discriminating fellow PBA player and TNT import Terrence Jones.


“Money obviously doesn’t buy class.”

Bahagi ito ng patutsada ni Jackie Forster kay Arwind Santos ng San Miguel Beermen kaugnay ng diskriminasyon nito sa TNT KaTropa import na si Terrence Jones.  

Sa Game 5 ng PBA Commissioner's Cup Finals sa pagitan ng Beermen at KaTropa nitong August 14, Miyerkules, napansin ni Jones na habang kasagsagan ng laro ay sumasayaw si Santos na parang unggoy sa sideline.

Nanalo ang Beermen kontra sa TNT sa score na 99-94.

Hindi ito pinalampas ni Jones at idinaan sa social media ang panawagan sa pamunuan ng Philippine Basketball Association na patawan ng sanction si Santos.

Noong una ay “unapologetic” pa si Santos, subalit kalaunan ay nag-sorry ito sa pamamagitan ng isang video.

Pinatawan din siya ng parusa ng PBA committee dahil sa kanyang inasal.

JACKIE FORSTER AND SON KOBE PARAS SLAM SANTOS

Nagpakawala ng maaanghang na salita si Jackie Forster via Instagram kaugnay ng inasal ni Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinawag ng dating aktres na "ignorant" ang PBA player dahil sa ginawa nito sa American import.

“Someone needs a bitch slap [waving emoji] Ignorant ignorant ignorant.”

Buwelta pa ni Jackie, “Please use your money to go travel the world so you learn to undo all the damage you have inside your heart.”

Sabi pa ni Jackie, na ngayon ay naka-base sa U.S., ang mga kababayang OFWs ni Santos ay nakararanas ng diskriminasyon.

“If you also knew how much racism Filipinos face in all corners of the world you would have more empathy and understanding...

“WE TOO ARE BROWN!

“Money obviously doesn’t buy class. This kind of behavior upsets me so much. Unapologetic pa??  

“thank you PBA for the sanction but maybe a steep fine will also help them think twice (when men under pressure have outbursts - look deeper at the issues)”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa comments section ay nag-react naman ang anak ni Jackie na si Kobe Paras, na naglalaro naman para sa UP Fighting Maroons.

Komento ni Kobe, “Not everyone is educated mama...

“That’s the sad reality of this world and especially our country...

“I’m so lucky and damn blessed I was raised by African Americans in LA...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Kobe ay anak ni Jackie sa former PBA player na si Benjie Paras.

PBA’S SANCTION ON SANTOS

Ipinatawag ng PBA si Santos ngayong Huwebes, August 15, kaugnay ng isyu.

Ayon sa commission, hindi nila tino-tolerate ang diskriminasyon sa liga.

Si Santos ay pinatawan ng P200,000 fine, 100 hours ng community service, at sasailalim sa counselling hinggil sa equality at racial discrimination.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close