Ipinagtanggol ni Jimuel Pacquaio, 19, ang ex-girlfriend na si Heaven Peralejo, 19, kaugnay ng balitang kaya sila naghiwalay ay dahil sa paggamit umano ng dalaga sa credit card ng binata upang ipag-grocery ang pamilya nito.
Sa isang event, may limang araw na ang nakalilipas, nakapanayam ng entertainment reporter na si John Fontanilla ang dating magsing-irog.
Dito ay mariing pinabulaanan ng panganay na anak ng Pambansang Kamao Senator Manny Pacquiao at ni Jinkee Pacquiao ang akusasyon laban kay Heaven.
Sabi ni Jimuel, “Yung lahat po ng naririnig niyo tungkol sa money, yung mga ganun, hindi po totoo yun. Hindi po siya ganun.”
Nauna na ring itinanggi ni Heaven ang tungkol dito.
Sa panayam sa kanya noong August 14, sinabi ng Kapamilya artist, “Hindi naman po kasi totoo.
“Wait, gusto ko lang i-clarify yung sa grocery, as in, never happened yun.
“Hindi ko alam kasi never din kaming nag-grocery together.
“So, I don’t know how it happened.”
Kasunod nito ang pagkumpirma ni Heaven na hiwalay na nga sila ni Jimuel.
Sa ngayon, nananatili raw silang magkaibigan kahit hiwalay na.
Nagkukumustahan pa rin daw sila paminsan-minsan.
Wala rin daw problema kung pagsasamahin sila sa ilang proyekto.
Sabi pa ni Jimuel, “Walang problema.”
