Pinoy "Bruce Lee" Ramon Zamora dies at 72


Ramon Zamora, "The Bruce Lee of the Philippines", passed away last Sunday night, August 26, after a heart attack.



Pumanaw na ang tinaguriang "Bruce Lee of the Philippines" na si Ramon Zamora noong Linggo, August 26, matapos itong atakihin sa puso. He was 72 years old.

Ayon sa GMA News, kasalukuyang nasa bahay nila sa Mayamot Village sa Antipolo ang batikang aktor nang bigla itong atakihin sa puso. Agad siyang itinakbo sa Marikina Valley Medical Hospital sa Sumulong Highway, Marikina, ng alas-nuwebe ng gabi ngunit idineklara nang dead on arrival ang aktor.

Walang anumang senyales si Ramon ng masamang kundisyon bago siya atakihin sa puso. Ayon pa nga sa anim niyang anak—Ranillo, Gigi, Bryan, Gary, Zsa Zsa, at John—ay masigla pa nga ang kanilang ama.

Sa ngayon ay nakahimlay ang mga labi ni Ramon sa Marian Chapel sa Marcos Highway, Antipolo City.

Sumikat si Ramon noong dekada '70 bilang action star. Ilan sa mga kilalang pelikulang kaniyang nagawa ay ang Return of the Dragon, Ang Mahiwagang Daigdig ni Pedro Penduko, Bruce Liit, Karunungang Itim, at Peter Pandesal.

Bukod sa Pedro Penduko, gumanap din siya sa dalawa pang superhero movies—Dalmasyo Armas at Sprekenheit!—bilang crippled German soldier na bihasa sa martial arts.

Ang mga pinakahuling mga proyektong nakasama siya ay ang pelikulang M.O.N.A.Y. (Misteyks Obda Neyson Adres Yata) ni Mister Shooli, at ang ABS-CBN shows na Maging Sino Ka Man at The Adventures of Pedro Penduko kung saan gumanap siya bilang Father Ben.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN