Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Bea Alonzo to donate books that helped her "figure out things about my life"

by Jet Hitosis
Aug 29, 2019
Bea Alonzo will donate boxes of her old books, as per her latest #OneDayAtATime Instagram post on Wednesday, August 28. The actress used the hashtag in a series of social media posts, following her controversial breakup with Gerald Anderson last month.
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram

Tuluy-tuloy ang moving on para kay Bea Alonzo.

At ang latest, ido-donate niya ang mga librong nakatulong sa kanya para maunawaan ang “things about my life one way or the other.”

Sa Instagram post ni Bea nitong Miyerkules ng gabi, August 28, makikita ang mga librong nakasilid sa tatlong kahon.

Caption ni Bea: “Organizing the books that I'm going to donate.

“Most of these books are given to me by fans and friends.

“These books helped me figure out things about my life one way or the other and I feel like it’s time to share them with people who might need them. (heart emoji) #OneDayAtATime.”

Hindi naman binanggit ni Bea, maging sa comments section, kung kanino o saan niya ido-donate ang kanyang mga libro.

Libu-libo na ang nagkomento at humiling na mapabilang sana sila sa mga mabibiyayaan ng mga librong ipamimigay ni Bea.

Marami rin ang nagpahayag ng interes sa mga librong ido-donate ng aktres, kabilang ang ilang empleyado ng eskuwelahan at mga piitan.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ilang netizens naman ang hindi naiwasang isingit ang mainit pa ring isyu ng pakikipaghiwalay ni Bea kay Gerald Anderson sa kanilang komento.

Sa comments section, may mga direktang nagbanggit kay Gerald, at sa sinasabing third party umano sa hiwalayan na si Julia Barretto.

Ilang nagkomento ang kampi at kontra kina Bea at Julia.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

BEA CHOOSES POSITIVITY

Ito ang latest sa serye ng Instagram posts ni Bea na may hashtag na #OneDayAtATime.

Pinalitan din ng aktres kamakailan ng “One day at a time” ang kanyang Instagram profile bio.

Pinasimulan ni Bea ang serye ng posts tungkol sa positivity gamit ang nasabing hashtag halos isang buwan makaraang pumutok ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ni Gerald noong July 21.

Ito ay sa gitna ng paghihintay ng publiko sa reaksiyon ni Bea matapos ang magkakasunod na paglalabas ng pahayag nina Gerald at Julia tungkol sa kontrobersiya.

Naglabas na rin ng pahayag sa isyu ang mga magulang ni Julia na sina Dennis Padilla at Marjorie Barretto, gayundin ang ina ni Gerald na si Evangeline “Vangie” Opsima.

IN CHILDREN’S DEFENSE

Kagabi, August 28, sa Tonight With Boy Abunda, sinabi ni Dennis na hindi sinasagot ni Gerald ang texts niya rito, bagamat hindi nito nilinaw kung ano ang mga mensahe niya sa aktor.

Continue reading below ↓

Inamin din ni Dennis na siya ang unang tumawag sa aktor makaraang madawit ang pangalan ng anak niyang si Julia sa hiwalayang Bea-Gerald.

August 26 nang magpaliwanag si Marjorie tungkol sa iniintrigang pagkakapareho ng jersey number nina Gerald at Julia—ang number 3—sa All-Star Games nitong August 25.

Iginiit ni Marjorie na high school pa lang si Julia ay ginagamit na nito ang nasabing number bilang varsity volleyball player.

August 23 naman nang lumabas ang TV interview sa ina ni Gerald na si Vangie upang ipagtanggol ang anak laban sa mga tumutuligsa rito.

Binatikos din ng ina ni Gerald si Bea at ipinagdiinang ayaw niya sa aktres para sa anak.

Dagdag pa ng ginang, “ibinabasura” at “pinatatamaan” umano ni Bea si Gerald, kahit na “hindi ka niya binastos kailanman.”

JULIA: “WALA AKONG INAGAWAN NG BOYFRIEND”

Sa exclusive interview ng ABS-CBN News kay Julia noong August 22, itinanggi ng 22-anyos na aktres na boyfriend niya o nanliligaw sa kanya si Gerald.

Continue reading below ↓

Paglilinaw ni Julia: “Hindi ko siya naging boyfriend and hindi ko siya boyfriend ngayon.

“Therefore, wala akong inagawan ng boyfriend, wala akong inahas, at wala din akong nilandi.”

Una nang dinepensahan ni Julia ang sarili mula sa kontrobersiya sa isang Instagram post noong August 6.

Sa nasabing post, inakusahan din ni Julia si Bea ng "bullying."

Nauna rito, August 5, sa isang TV interview, itinanggi ni Gerald na may third party sa breakup nila ni Bea, at sinabing nagkahiwalay sila pagkatapos ng “one big fight.”

Sa kabila ng lahat ng ito, nananatiling tahimik si Bea—na ang huling pahayag sa isyu ay nang sabihin niya noong July 26 na wala silang formal breakup ni Gerald.

July 21 nang umugong ang espekulasyon sa hiwalayan nina Bea at Gerald kasunod ng pagpu-post ng aktres ng cryptic message sa Instagram.

Kasunod nito, ni-like ni Bea ang mga litratong ipinost ng isang netizen na nagpapakita kina Gerald at Julia na magkasama sa birthday party ni Rayver Cruz sa isang bar sa Taguig City.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo will donate boxes of her old books, as per her latest #OneDayAtATime Instagram post on Wednesday, August 28. The actress used the hashtag in a series of social media posts, following her controversial breakup with Gerald Anderson last month.
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results