Bea Binene comments on Alden Richards being linked to Winwyn Marquez

by Rachelle Siazon
Aug 30, 2019
Bea Binene (left) on Winwyn Marquez's (right) reported closeness to Alden Richards (center): "Hindi ba puwedeng sumusuporta lang sa kaibigan? Hindi ba puwedeng na-invite?"
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi maiwasang tanungin si Bea Binene tungkol sa napabalitang pagkakaugnay ni Alden Richards sa kapwa-Kapuso star nilang si Winwyn Marquez.

Sila ang mga malapit na magkakaibigan kasama sina Kristoffer Martin at Rodjun Cruz.

Nag-ugat ang isyu nang diumano'y makaagaw ng pansin ang "closeness" nina Winwyn at Alden sa opening ng fast-food restaurant ng huli sa Biñan, Laguna, noong April 24.

Ayon kay Bea, dumalo rin sila doon nina Kristoffer, Rodjun, at Winyn.

"Siyempre ayoko magsalita on behalf of them kasi baka mamaya sabihin pinapangunahan, nakikisawsaw sa issue hindi naman kasali sa issue.

"Ganyan kasi yung palaging sinasabi nila, di ba? E, para sa akin, hindi ko alam.

"Siguro, ayokong mag-confirm, ayokong mag-deny kasi labas naman po ako sa kung anong nangyayari."

Hindi naman daw kataka-taka na maging malapit sina Winwyn at Alden dahil magkakaibigan na raw sila mula pa noong nagkatrabaho sila sa dating GMA-7 Sunday musical-variety show na Party Pilipinas, mula 2010 hanggang 2013

Continue reading below ↓

"At saka siguro dahil pareho silang single," ani Bea patungkol kina Winwyn at Alden.

"Kasi matagal na kaming magkakasama, since Party Pilipinas pa, ngayon lang siya nabigyan ng kulay.

"'Tapos nagkataong naging single si Winwyn, nagpunta dun."

Paglilinaw pa ni Bea, nagkataong mini-reunion na rin nila ang pagdalo sa opening ng fast-food restaurant ni Alden.

"Hindi ba puwedeng sumusuporta lang sa kaibigan? Hindi ba puwedeng na-invite?

"Matagal nang ini-invite sa mga labas namin, pero ngayon lang siya naging libre.

"Siguro kaya first time nakita si Winwyn doon na magkakasama kami.

"First time naging free yung schedule niya kasi naging busy siya sa Reina Hispanoamericana.

"So, nung time na yun, nag-match yung schedule."

Ang pagtitipong iyon ang huling beses daw na pagkikita nilang magkakaibigan.

Lalo pa't naging abala na rin daw sila sa kani-kanilang trabaho.

Si Alden naman ay nag-shoot noon sa Hong Kong para sa pelikulang Hello, Love, Goodbye, at pagkatapos ay naging abala sa promo tours.

Continue reading below ↓

"Bago tayo mag-assume ng something, bago tayo mag-judge kung may namamagitan ba, isipin natin na may kanya-kanyang views and opinion din sila," dagdag ni Bea.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea sa presscon ng Beautiful Justice, noong Martes ng gabi, August 27.

"WORKAHOLIC" ALDEN

Bilang kaibigan ni Alden, may idea ba siya kung may idine-date ngayon ang Pambansang Bae?

Sagot ni Bea, "Tagal na naming hindi nagkikita, e.

"Pero knowing Alden, sobrang professional niyang tao.

"Sobrang workaholic niya. Hindi ko alam kung ano, pero siya sobrang work, work, work siya."

Kaya marahil wala raw oras si Alden sa buhay-pag-ibig sa ngayon.

"Oo! Tulog nga wala siyang oras, dyowa pa kaya.

"At saka sobrang successful niyang tao. Andami niyang iniisip—trabaho, business, tulog, pahinga."

Hindi rin naman daw nila naisipang ireto si Alden sa mga kakilala nilang posibleng magustuhan ng binata.

"Hindi, e. Kasi kung darating yung mapupusuan niya, kung darating yung para sa kanya, kahit hindi namin ireto, darating yun.

Continue reading below ↓

"Makikilala niya, magiging sila, kung sila ba talaga nun ang meant to be."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Binene (left) on Winwyn Marquez's (right) reported closeness to Alden Richards (center): "Hindi ba puwedeng sumusuporta lang sa kaibigan? Hindi ba puwedeng na-invite?"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results