Joey de Leon vs. Willie Revillame word war heats up


"Bago sana ninyo imbestigahan ang ‘Hello Garci', sana unahin ninyo ang ‘Hello Pappy'!" jokes Joey de Leon (right) referring to Willie Revillame's (left) pet name in Wowowee.



Mukhang hindi pa nga matatapos ang pagpapalitan ng mga maaanghang na salita nina Joey de Leon at Willie Revillame dahil matapos maglitanya ng kanyang hinaing si Willie kahapon sa Wowowee, heto at agad namang may sagot ang Eat Bulaga! host na si Joey.

Fresh from Hong Kong, isang palabang Joey ang agad na nabungaran sa Eat Bulaga! kaninang tanghali. "Alam kong sabik kayo at naghihintay ng sasabihin ko, puwes, hindi ko kayo bibiguin. Abangan ninyo mamaya, magsasalita ako," ang paunang sinabi ni Joey immediately after magbukas ang Eat Bulaga!.

In between their portions, pinanindigan ng matapang na TV host ang pambubuska niya sa host ng katapat na programa. Naroong itanong ni Joey sa isang contestant kung ano ang tawag sa maliit na aso, sabay segue ng "Bakit naman kasi ang dami-daming pangalan ay yung sa aso pa ang pinili?"—isang obvious reference sa bansag kay Willie bilang "Pappy" sa Wowowee.

Paulit-ulit ding nire-remind ni Joey ang mga kalahok sa mga contest ng Eat Bulaga! na huwag maging madaya. "Alam n'yo naman, kahit anong kontes na may involved na pera, nagkakadayaan," pahabol pa nito sabay dugtong na kahit ang mga hosts at ibang audience participants ay naeengganyo ring mandaya.

Bago pa binitawan ni Joey ang kanyang sagot sa naging parunggit ni Willie, sinabi nito sa isang portion na "Kaya nga kami gumagabay dito sa mga contestants natin dahil kayo ang higit na may kailangan nito. Yung iba diyan, ang tanda-tanda na, humihingi pa ng gabay."

Finally, nabigyan ng kanyang moment si Joey bago matapos ang show. "Explain before you complain," ang naging buod ng sinasabi niyang installment niyang pagsagot sa lahat ng sinabi ni Willie.

"Kaibigan" lamang ang ginamit na reference ni Joey kay Willie at sinimulan nga niya ang lahat sa isang insidente kung saan hindi naipaliwanag ang supposedly "pagkakamali" na naganap sa "Wilyonaryo" segment ng Wowowee. Ito ang pinag-ugatan ng ngayo'y tumitinding word war ng dalawang noontime hosts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbiro pa si Joey nang tawagin niya ang atensiyon ng Senado para unahin diumano ang pag-iimbestiga ng naturang kaganapan sa show ng "kaibigan."

"Bago sana ninyo imbestigahan ang ‘Hello Garci', sana unahin ninyo ang ‘Hello Pappy'!" ang kunwaring hamon pa nito, sabay sabi na nagbibiro lamang siya.

Ultimo ang pag-iyak ng walang luha ni Willie ay nagawang punahin ni Joey bago nito tinapos ang kanyang litanya sa pag-ulit ng mga salitang "Kindly explain, before you complain." Kung mayroon man daw ibang tinamaan sa kanyang mga sinabi, "bato-bato sa langit."

Sa kabilang banda, mabilis ding nagparinig si Willie sa Wowowee. "Hindi ko kailangan ang Senado, kayo [public] ang higit kong kailangan. Simula ngayon, kaibigan na ang tawagan natin. Tama ka, hindi pa nga ito tapos!" ang parunggit ng Wowowee host.

Ipinagmalaki pa ni Willie na mag-isa niyang nabubuno ang three-hour show niya—with minor help from Mariel Rodriguez and Valerie Concepcion—sa loob ng anim na araw every day, habang ang katapat niya ay two-and-a-half hours lang daw na ‘santambak ang hosts.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN