Patuloy na umiinit ang usapin tungkol sa kontrobersiyal na pahayag ni Davao mayor at PDP-Laban standard-bearer Rodrigo Duterte tungkol sa Australian rape and murder victim sa Davao noong 1989.
Si Duterte rin ang mayor ng Davao City noong panahong yun.
Watch: Rodrigo Duterte jokes about Australian rape victim
Pagkatapos ng maraming batikos, kumambiyo si Duterte at humingi na ito ng dispensa sa kanyang nasabi.
“I AM A RAPE VICTIM.” Sa gitna ng matinding pagbatikos na natatanggap ngayon ni Duterte, dinipensahan siya ng kanyang anak na si former Davao City Mayor Sara Duterte.
Kahapon, April 18, nag-post si Sarah sa kanyang Instagram account ng mensahe kung saan inamin niyang biktima rin siya ng panggagahasa.
Ngunit iboboto pa rin daw niya ang kanyang ama bilang presidente.
Walang ibinigay na iba pang detalye si Sara, ngunit malinaw na ito ay isang mensahe ng pagsuporta sa amang binibira ngayon sa social media.
Sabi niya: "Not a joke. I am a rape victim. But I will still vote for president Rodrigo Duterte.”
Sa caption, sinabi nitong: “Day 14. Finally said it. Good morning.”
Kasalukuyang nasa ngayon ang mag-ama para pa rin sa kanilang kampanya.