Is Jennylyn Mercado's loss Yasmien Kurdi's gain?


"Hindi po...hindi po talaga. Wala naman pong ganun. Kahit naman posi Jennylyn, nilinaw na rin po niya. Siya na rin po yung nagsabi sa Startalk na hindi po totoo ‘yon," denies Yasmien Kurdi about grabbing the projects originally intended for Jennylyn Mercado (inset).



Kagagaling lang ng young actress na si Yasmien Kurdi sa taping ng Pasan Ko Ang Daigdig nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, September 3, sa Arlington Memorial Chapel sa burol ng ama ng PEP contributor na si Dinno Erece.



Ayon kay Yasmien, ibang klaseng experience naman daw ang paggawa niya ng Pasan Ko ang Daigdig kumpara sa papatapos pa lang niyang afternoon Sine Novela na Pati Ba Pintig Ng Puso.



"Magkaibang-magkaiba kasi yung mga characters. Si Jenna sa Pati Ba Pintig, sobrang mabait, naapi. Si Lupe naman sa Pasan Ko, matapang, palaban," paglalarawan niya sa kanya mga karakter.

Incidentally, ang mga papel niya sa Pati Ba Pintig ng Puso at Pasan Ko Ang Daigdig ay parehong unang ginampanan ni Sharon Cuneta sa pelikula.



Kuwento pa ni Yasmien, dahil sa Payatas daw ang kadalasang taping nila ng Pasan Ko Ang Daigdig, isa sa preparasyon na ginawa niya ay ang pagpapa-bakuna.



"Nagpa-bakuna na ako against malaria, hepatitis, at iba pa," banggit ng young actress. "Bale isa ‘yon sa mga una kong ginawa kaya ngayon, kahit talagang tumatapak ako sa basura, sa lupa, hindi na ako natatakot. E, talagang ang taping pa naman namin, mismong sa Payatas."



JENNYLYN'S LOSS, YASMIEN'S GAIN. Ang sinasabing kawalan daw ngayon ng mga shows ng batchmate ni Yasmien sa StarStruck na si Jennlyn Mercado ang dahilan kaya tila sinusuwerte naman ngayon si Yasmien na sunud-sunod na series na ibinibigay sa kanya ng Kapuso network. Ang isyu kasi, dahil sa pagkakaroon ng problema ng manager ni Jennlyn na si Becky Aguila sa GMA-7, ang mga proyektong dapat sana ay para kay Jennylyn ay napupunta kay Yasmien.

Ano ang masasabi ni Yasmien dito?



"Hindi naman po," maagap niyang tanggi. "Nagkakataon lang po siguro ngayon na nagkasunud-sunod dahil nag-hit naman po yung Pati Ba Pintig. Tingin ko po, ‘yon po talaga ‘yon kaya po nabigyan ulit kami ng kasunod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi po...hindi po talaga. Wala naman pong ganun. Kahit naman po si Jennylyn, nilinaw na rin po niya. Siya na rin po yung nagsabi sa Startalk na hindi po totoo ‘yon.



"With Jen po, alam ko po, darating din naman po ang time na babalik din yung dati. Sigurado po ‘yon," paniniyak ni Yasmien.



Dagdag pa ni Yasmien, hindi rin daw sila dapat gawan ng intriga or pag-awayin ni Jennylyn dahil wala naman silang problema or anumang samaan ng loob. In fact, kuwento ni Yasmien, kahit hindi raw sila nagkikita madalas ay nagte-text naman daw sila sa isa't isa.



"Kailan lang po, nag-text po ako sa kanya, pero quote lang naman po ‘yon. Kaya po siguro hindi siya sumagot," kuwento ni Yasmien.



JC DE VERA. Samantala, ibang-iba naman ang ngiti at aura ni Yasmien basta nababanggit ang pangalan ng ka-loveteam niya na si JC de Vera. Nang kamustahin ngang muli ng PEP ang estado ng "friendship"nila ni JC ngayon, nangingiti si Yasmien at tila nagba-blush pa.



"Si JC po? Okay naman po...Ganun pa rin po," matipid niyang sagot.



May lumabas na balita na noong farewell party raw ng Pati Ba Pintig Ng Puso ay sobra raw ang sweetness nina Yasmien at JC habang nagsasayaw. May nakakita rin daw na naghahalikan sila. Totoo ba ito?



"Ganun po?" may ngiti sa labi na sagot ni Yasmien. "Ay, wala naman po yatang ganun! Hindi po, hindi po totoo ‘yon."

Sinabi ni Yasmien noon na nasa MU (mutual understanding) stage na sila ni JC. Kumusta naman sila ngayon ng leading man niya rin sa Pasan Ko Ang Daigdig?



"Ha? Ah, ganun pa rin po," maikli niyang sagot.



Hindi pa rin ba sila?



"Hindi pa po. Hindi pa po talaga!" tanggi ni Yasmien.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN