Actress Janna Victoria gives birth to a baby girl


Actress Janna Victoria, who was Piolo Pascual's leading lady in Lagarista, gave birth to a baby girl yesterday, September 3. The baby's father is businessman Joseph Flores.



Nagsilang ng isang malusog na sanggol na babae ang aktres na si Janna Victoria via caesarian section kagabi, September 3, 6:04 p.m., sa Makati Medical Center.



Pinangalanan ang sanggol na Jordana Brielle Flores Valentin. Parehong malusog sina Jana at ang kanyang supling, na tumimbang ng 4 pounds at 12 ounces. Napaaga ang panganganak ni Janna ng two weeks.



Ipinakilala sa Janna sa pelikulang Lagarista kung saan nakatambal niya si Piolo Pascual. Sumali rin siya sa reality-based competition na 30 Days ng GMA-7. Bago nanganak si Janna ay pumirma siya ng kontrata sa GMA-7 at huli siyang napanood sa fantaserye na Atlantika.



Matapos na siya ay makipag-break sa kanyang dating boyfriend na si Dominic Ochoa, wala nang masyadong balita tungkol kay Janna.

Ang bagong partner ni Janna at ang ama ng kanyang anak ay si Joseph Flores, isang businessman. Si Joseph ay first cousin ng dating Manila councilor at Mga Mata ni Anghelita mainstay na si Robert Ortega at pamangkin ng TV producer-director na si Kitchie Benedicto.



Sinabi ni Janna sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na apat na taon na silang magkaibigan ni Joseph, pero isang taon pa lang silang may intimate relationship. May plano silang magpakasal in the future. Kagagaling lang nila sa Amerika last May and June.



Sa Amerika rin sana balak ni Janna na isilang ang kanilang anak, pero nag-decide sila na umuwi ng Pilipinas at dito isilang ang sanggol. Ibi-breasfteed ni Janna ang kanyang baby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN