Gary Estrada awaits birth of third daughter with wife Bernadette Allyson


"When my wife went to the hospital to have her check-up and 3Gultrasound para malaman ang gender ng next baby namin, agad niya akongtinawagan when she got the result. Sabi niya sa akin, ‘Ikaw kasiplayboy ka kaya girl ulit ang anak natin.' I know she was just joking,pero agad tuloy akong napaisip, pambayad-utang ba ito? Totoo ba 'yon?Naku, good boy naman ako, ‘no!" narrates Gary Estrada.



Excited na ibinalita ni Gary Estrada na magiging proud father na naman siya in a few months. Seven months pregnant ngayon ang asawa niyang si Bernadette Allyson and November ang due date ng panibagong angel sa kanilang buhay. Bale ikatlong baby na nila ito and they are expecting another baby girl.

Five years old na ang panganay nila na si Gariella Bernise na nag-aaral na sa Poveda. Second child nila is only seven months old, si Gariana Beatrice. Kaya halos wala pang isang taon ang pagitan ng pangalawa at pangatlo nilang anak.

"When my wife went to the hospital to have her check-up and 3G ultrasound para malaman ang gender ng next baby namin, agad niya akong tinawagan when she got the result. Sabi niya sa akin, ‘Ikaw kasi playboy ka kaya girl ulit ang anak natin.' I know she was just joking, pero agad tuloy akong napaisip, pambayad-utang ba ito? Totoo ba 'yon? Naku, good boy naman ako, ‘no!" pagbibiro ni Gary nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Pasan Ko Ang Daigdig kagabi, September 4.

Kuwento pa ng aktor, magaang magbuntis si Berna at hindi ito hirap. Hindi rin daw ito nahihirapang maglihi. "She's okay now at nag-e-enjoy sa kanyang pagbubuntis. She's a cool mom."

Ilan ba ang plano nilang maging anak ni Bernadette?

"Actually, the smaller the better because we want to give a good future [sa] mga kids namin. Pero kung ilan ang ibigay ni Lord, okay lang sa amin. Yung iba nga diyan hirap na hirap magkaroon ng anak, e. It's always a blessing from God," sagot niya.

Ia-allow ba niya if ever na pumasok sa showbiz ang kanilang mga anak?

"As much as possible, ayoko sana kasi I've known the business," sabi ni Gary. "I want them to concentrate sa studies nila. Actually, my eldest is asking me nga, 'How come I don't have a commercial? How come I'm not on TV?' Nakakatuwa pero gusto ko maging priority nila ang pag-aaral talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, ibinalita rin ni Gary na binata na ang anak nila ng dating aktres na si Cheska Diaz. Ang bilis daw ng panahon dahil 15 years old na raw ito at Grade 7 na sa San Agustin, kung saan varsity player din ang binatilyo. Ang guwapo raw ng bagets na hawig kay Joko Diaz, younger brother ni Cheska. Ang ganda raw ng combination ng Diaz at Ejercito kaya guwaping ang kanyang anak.

Sa Pasan Ko Ang Daigdig ay ginagampanan ni Gary ang papel ni Kadyo, ang live-in partner ni Metring (Gina Alajar) na siyang ina ni Lupe (Yasmien Kurdi). Bad guy si Gary rito—aapihin at pagtatangkaan pa niya ng masama si Yasmien.

Gary has only good words for Yasmien. "It's so easy to work with her, napaka-talented and professional na bata ni Yasmien. Magaling umarte at hindi ko siya nariringgan na nagku-complain. Bilib ako sa kanya and I know malayo ang mararating ng batang ito," papuri pa niya sa young actress.

About politics, sinabi ni Gary na hindi raw niya tatalikuran ang bagay na ito.

"Tumakbo ako as mayor ng San Antonio, Quezon [province], last election but I lost again. Okay lang naman. Nasa dugo ko na ang politics. Ang hirap talikuran yung ipinaglalaban mo, e," sambit niya.

Aside from showbiz and being a family man, active din si Gary sa sports. He's playing baseball at ka-buddy-buddy niya dito ngayon si Richard Gomez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN