Yasmien Kurdi reprises another Sharon Cuneta role in "Pasan Ko Ang Daigdig"


"Naku, marami pa akong dapat pagdaanan bago marating ang estado ng isang Sharon Cuneta. Pressure sa akin ang mga ganitong projects but at the same time, challenge din for me to work hard at i-prove sa kanila na hindi sila nagkamali sa pagbibigay sa akin ng ganitong opportunity," replies Yasmien Kurdi when asked about being compared to Megastar Sharon Cuneta.



Princess of Dramarama ang bansag ngayon ng GMA-7 kay Yasmien Kurdi. This is primarily because of the success ng katatapos lang na Sine Novela na Pati Ba Pintig Ng Puso, kung saan katambal niya ang ka-loveteam at inili-link sa kanya ngayon na si JC de Vera.

Napatunayan ng dalawa ang kanilang chemistry kaya nagdesisyon ang GMA-7 management na bigyan agad sila ng follow-up project para habang mainit pa ang kanilang tambalan ay hindi bumitiw ang kanilang mga fans. Sila rin ang mga bida sa TV remake ng Sharon Cuneta movie na Pasan Ko Ang Daigdig.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Yasmien sa presscon ng Pasan Ko ang Daigdig, inamin ng young actress na malaking pressure ang nakaatang sa balikat nila ngayon ni JC.



"Sobrang pressured sa amin talaga ni JC ang project na ito. Parang ang laki-laki kasi ng expectations nila sa amin, plus sobrang pinag-usapan pa ang movie na ito dahil nga sa ganda ng istorya at pinagbidahan pa ng Megastar na si Sharon Cuneta. Pinaghandaan ko po ang pag-atake sa character ko as Lupe Velez. Kinailangan kasing magkaroon ng difference doon sa character ko ito sa Pintig," sabi ni Yasmien.



Kapansin-pansin na ang dalawang teleserye ni Yasmien na Pati Ba Pintig ng Puso at Pasan Ko Ang Daigdig ay parehong pinagbidahan ni Sharon kaya marami tuloy ang nagsasabing hindi malayong sundan ng StarStruck alumna ang yapak ng Megastar. Magaling siyang singer at magaling ding artista gaya ng kanyang idolo.

Ano ba ang pakiramdam ni Yasmien kapag naikukumpara siya kay Sharon?

"Naku, marami pa akong dapat pagdaanan bago marating ang estado ng isang Sharon Cuneta," tila nahihiyang sabi ni Yasmien. "Pressure sa akin ang mga ganitong projects but at the same time, challenge din for me to work hard at i-prove sa kanila na hindi sila nagkamali sa pagbibigay sa akin ng ganitong opportunity."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"SULUTAN" ISSUE. Samantala, hiningan din namin ng komento si Yasmien tungkol sa isyung sinulot niya diumano ang Pasan Ko ang Daigdig kay Jennylyn Mercado.



"Wala pong sulutan na nangyari," paglilinaw ni Yasmien. "I can assure you of that. Ang nangyari po kasi talaga, yung EP [executive producer] namin sa Pintig, sinabihan kami ni JC na kapag nag-klik ang tambalan namin, may ibibigay daw siya sa aming malaking project.

"At that time yata, pinagpipilian pa talaga nila kung sino ang magpo-portray sa lead role. Wala pang confirmation kung sino talaga. I've heard ni-request nga nila ako kaya I was given the opportunity to have it. Nagkausap na naman kami ni Jen, e. Tinext ko rin siya kaya sigurado akong wala kaming problema sa isa't isa."



SPECIAL FRIENDSHIP.
Meanwhile, kakaiba ang glow ng mga mata ni Yasmien noong presscon. All smiles ang dalaga nang mag-change topic kami at mapag-usapan na ang "special friendship" na namamagitan sa kanila ngayon ng kanyang kapareha na si JC de Vera.



"Feeling ko kaya kami nagki-klik ni JC kasi magkamukha kami!" biro niya. "Kidding aside, napaka-gentleman ni JC at nararamdaman ko na nagke-care talaga siya sa akin. Mas naging stronger ang relationship namin as friends lalo na nung nag-Hong Kong kami. Nag-bonding talaga kami doon.



"Comfortable kami with each other, and I trust him. Siya ang madalas kong nakakakuwentuhan about my personal life. We have nothing to admit yet, pero yung closeness that we have right now, e, hindi naman namin puwedeng i-deny. Lagi kaming magkasama because of work at kung saan man i-lead ang samahan namin, I don't see anything wrong naman. Sabihin ko po sa inyo 'pag kami na," tawa niya.



Isa raw sa dapat abangan sa Pasan Ko Ang Daigdig ay ang kissing scenes nila ni JC.



"Kabisado ko na naman ang lips ni JC, e," kinikilig na sabi ni Yasmien. "Siyempre, super-toothbrush ako bago kunan ang ganung eksena. Medyo naiilang pa rin ako but of course, I have to be professional, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN