Sexy star Jennifer Lee is willing to go all the way in a solo-starrer


"I will go all the way kung ako ang nasa title role... Kung bibigyan ako ng solo-starrer na bold, siyempre pag-uusapan naman namin muna lahat ‘yan. Gusto ko kung maghuhubad din lang ako ng todo-todo, maganda ang project, yung tipong Scorpio Nights. That will be a big challenge for me," says Viva Hot Babe Jennifer Lee.



Sinabayan ng Viva Hot Babe na si Jennifer Lee ang pagiging daring ng kanyang leading man na si Harry Laurel sa Viva Films digital movie na Ang Lalake Sa Parola. Nagkaroon ng advance screening ang naturang pelikula last Monday, September 3, sa UP Film Institute.



Opening scene pa lang ni Jennifer sa Ang Lalake Sa Parola ay sex scene agad ang ginawa niya kasama si Harry. Inamin ni Jennifer na sobrang natakot siya na gawin ang naturang eksena. First time daw kasing ma-expose ang kanyang buong katawan, pero wala naman daw siyang frontal nudity.



"Breast and butt exposure lang naman meron ako sa movie. Si Harry, siya ang nagpakita talaga ng buong katawan niya rito. Wala siyang itinago. Mas matapang talaga siyang maghubad kesa sa akin!" sabay tawa ni Jennifer sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng screening.



Dagdag pa ni Jennifer, pinag-isipan daw niya nang husto ang paghuhubad niya sa Ang Lalake Sa Parola. Inisip din kasi niya ang puwedeng sabihin sa kanya ng kanyang pamilya at mga kaibigan.



"Actually, two scenes lang naman na hubad ako sa movie. Pelikula kasi ito ni Harry at sex partner lang niya ako rito. Sinabi naman ni Direk Jay [Altarejos] na he will take care of my scenes. Hindi raw lalabas na bastos at matatago ang dapat matago. Kaya I trusted him naman. Noong mapanood ko, okay naman talaga. Si Harry talaga ang naging bold star sa movie at hindi ako," saad ng Viva Hot Babe.



Pero handa na raw si Jennifer na mag-all out daring kung siya ang magiging bida sa isang pelikula. Mas okay nga raw na maghubo't hubad siya sa pelikula na siya ang nasa title role kesa supporting lang siya.



"Iyon naman ang katuwiran ko," sabi ni Jennifer. "I will go all the way kung ako ang nasa title role. In this case naman kasi, Ang Lalake Sa Parola is really Harry Laurel. And okay lang na he goes bold kasi siya naman ang bida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Kung bibigyan ako ng solo-starrer na bold, siyempre pag-uusapan naman namin muna lahat ‘yan. Gusto ko kung maghuhubad din lang ako ng todo-todo, maganda ang project, yung tipong Scorpio Nights. That will be a big challenge for me."



Magkakaroon ng commercial release sa Robinson's Galleria IndieSine ang Ang Lalake Sa Parola starting September 19.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN